Rendon Labador, tila naglalambing sa netizens: "Lablablabador"

Rendon Labador, tila naglalambing sa netizens: "Lablablabador"

- Mabilis na napansin ng netizens ang Instagram story ni Rendon Labador

- Ito ay kaugnay pa rin ng pagkawala ng kanyang Facebook page kamakailan

- Animo'y naglalambing sa netizens at nagpapa-good shot sa pagbabaka sakaling maibalik ang kanyang account sa naturang platform

- Sinasabing nagkaroon umano ng mass report sa Facebook ang page ni Rendon dahilan upang matanggal ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging usapan ngayong Setyembre 28 ang umano'y ilan sa mga Instagram story ng internet personality na si Rendon Labador.

Rendon
Rendon Labador (@rendonlabadorfitness)
Source: Instagram

Kapansin-pansin ang animo'y pagpapa-good shot ni Rendon sa publiko sa pagbabaka sakaling maibalik na ang kanyang Facebook page.

Ilan sa mga hirit ni Rendon ay ang mga sumusunod:

"Excited na ba kayo sa pagbabalik ko? Love love na tayo, ha? Wala na sanang mass report, malulungkot ang Pasko niyo kapag wala ako."

Read also

Jiro Manio, isa na ngayong co-facilitator sa pinagdalhan sa kanya noon na rehab

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ngayon ko lang na-realize na balewala ang ganda ng katawan kapag wala kang Facebook"

"Binago ko ang hairstyle ko.Korean... Baka sakaling mahalin niyo ako"

Matandaang inanunsyo kamakailan ni Rendon ang pagkawala ng kanyang Facebook page na pinaniniwalaang nangyari dahil sa umano'y mass report sa kanyang account.

Narito ang ilan sa mga screenshot ng nasabing Instagram post na naibahagi rin ng Tea Pa More page:

Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.

Kabi-kabila ang isyu na umano'y binigyang opinyon ni Rendon. Mula sa naging isyu noon nina Moira Dela Torre at dating asawa nitong si Jason, Pambabatikos kay Michael V hanggang sa pagiging host ni Paolo Contis sa Eat Bulaga ay kanyang nabigyang komento.

Read also

Derek Ramsay, binahaging nabuntis si Ellen Adarna pero nakunan

Kamakailan nga ay ang patuloy pa ring isyu ng It's Showtime at MTRCB ang kanyang natalakay. Maging kay Vice Ganda na Gayundin ang 'lubid' joke ni Joey De Leon kamakailan. Samantala, naging panauhin siya ni dating Manila Mayor Isko Moreno kung saan nabigyang pagkakataon siyang mas linawin ang mga isyung noo'y naibabato sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel