Jhong Hilario, ibinida ang 'snack shopping' nila ng anak na si Sarina Hilario

Jhong Hilario, ibinida ang 'snack shopping' nila ng anak na si Sarina Hilario

- Ibinida ni Jhong Hilario ang video ng kanilang snack shopping kasama ang anak niyang si Sarina Hilario

- Bukod sa cereals, makikitang tuwang-tuwa si Sarina nang makita ang kanyang mga paboritong gulay

- Siya mismo ang kumuha at namili ng mga pagkaing kanyang gusto

- Marami ang bumilib sa bibong anak ni Jhong lalo sa kanyang mga napiling pagkain

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Jhong Hilario ang video ng kanilang snack shopping kasama ang anak niyang si Sarina. Hinayaan niyang mismong si Sarina ang mamili ng mga pagkaing kanyang gustong ipabili.

Jhong Hilario, ibinida ang 'snack shopping' nila ng anak na si Sarina Hilario
Jhong Hilario, ibinida ang 'snack shopping' nila ng anak na si Sarina Hilario
Source: Facebook

Hindi naman maitago ni Sarina ang tuwa nang makita ang kanyang mga paboritong pagkain kabilang na ang mga gulay. Siya mismo ang kumuha ng beans at celery. Bukod dito ay gusto din daw niya ng cereals.

Read also

Netflix actor Jelson Bay, labis ang pasasalamat sa tulong ni Vic Sotto sa kanya

Marami ang naaliw at bumilib kay Sarina na sa murang edad ay mga pagkaing masustansiya na ang pinipili at nagugustuhan. Narito ang ilang komento:

Im so amazed how bibo kid you are!!you’re so adorable

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Wow Sari Healthy Options yan ahh
Napaka bibo talaga ni baby sarina. enjoy nya din pati pag grocery and marunong na talaga sya kung ano gusto nyo

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Read also

Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanyang expectation vs reality post

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel