Lovely sa asawa: "Isa ka sa naging lakas ko nung mga oras na hindi ko alam kung kakayanin ko pa"
- Pinasalamatan ni Lovely Abella ang kanyang asawang si Benj Manalo
- Ito ay matapos niyang mairaos ang panganganak ang anak nilang mag-asawa nitong September 15
- Ani Love, masaya siya dahil hindi siya pinabayaan ng kanyang asawa nang magbuntis siya
- Aniya, sa mga panahong nahirapan siya ay hindi siya nito iniwan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naghayag ng kanyang pasasalamat si Lovely Abella sa kanyang asawang si Benj Manalo dahil sa pag-aalaga nito sa kanya lalo na sa kanyang pagbubuntis. Ani Lovely, naging masaya ang kanyang pregnancy journey dahil hindi siya pinabayaan ng kanyang asawa.
Dagdag pa niya, kahit sandali di siya iniwan ng kanyang asawa noong nahihirapan siya sa pagbubuntis.
Grabe!! Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko nung binasabasa ko to, wala akong masabi sa pregnancy journey ko dahil napakasaya ko na di ako pinabayaan ng Asawa ko, nung mga panahon na nahihirapan ako, kahit sandali di niya ako iniwan.
Isa umano ito sa kanyang naging lakas sa mga oras na hindi niya na alam kung kakayanin pa niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Babe salamat dahil isa ka sa naging lakas ko nung mga oras na hindi ko alam kung kakayanin ko pa Lord gabayan mo kami sa panibagong hamon sa buhay namin, at alam namin na heto ang magbibigay ng napakagandang kulay sa pamilya namin ❤️ Praise God everyday! #manalofamily #BenLy
Si Lovely Abella ay unang nakilala bilang isa sa mga nagpa-prank sa Bitoy's Funniest Videos. Ito ang nagbukas ng oportunidad sa kanya para maging isa sa Wowowee dancer. Si Benj Manalo ay anak ng komedyante at TV host na si Jose Manalo. Sa kanilang pag-iisang dibdib ni Benj, tanging ang ina ni Benj ang nakita. May mga naghanap kay Jose sa kasal ng anak ngunit wala silang inilabas na pahayag kaugnay dito.
Sa kanyang Facebook post ay inalala ni Lovely ang mga panahong wala pa silang mga napundar ng kanyang mister na si Benj Manalo. Aniya noong wala pa itong pera, kanin at sabaw lamang ang kanyang kinakain at si Lovely ang pinapakain niya ng manok. Kaya naman, nang mabiyayaan sila ng mas maayos na buhay dahil na rin sa kanilang pagsisikap hindi nila kinakalimutan ang makontento sa kung ano ang meron sila. Pinayuhan niya rin ang mga netizens na huwag mawalan ng pag-asa sa buhay dahil kung sila nga ay kinayang umahon kahit noon ay walang-wala din umano sila.
Samantala binahagi niya din sa kanyang post ang mga pictures nila kasama ang mister na si Benj at mga kapatid nito na kuha sa kolumbaryo kung saan nila inihatid ang abo ng yumaong dating asawa ni Jose Manalo na si Anna Lyn Manalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh