Hash Alawi, kinaaliwan sa vlog niyang "Buying everything Alexis touches"

Hash Alawi, kinaaliwan sa vlog niyang "Buying everything Alexis touches"

- Kinakiligan sina Hash Alawi at ang kanyang girlfriend na si Alexis sa bagong vlog nila

- Lingid sa kaalaman ni Alexis ay may challenge na ginagawa si Hash at iyon ay ang bilhin niya lahat ng mahawakan ng kanyang girlfriend

- Kinalaunan ay tila nakahalata na rin si Alexis kaya binibiro niya si Hash

- Kabilang sa nahawakan ni Alexis ay isang ref ngunit napagpasyahan nilang ibibigay na lang nila iyon bilang giveaway

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan sina Hashim Alawi at ang kanyang girlfriend na si Alexis sa bagong vlog nila kung saan sinubukan ni Hash na bilhin lahat ng bagay na mahawakan ni Alexis. Ito ay sa kanilang monthsary.

Hash Alawi, kinaaliwan sa vlog niyang "Buying everything Alexis touches"
Hash Alawi, kinaaliwan sa vlog niyang "Buying everything Alexis touches"
Source: Youtube

Kinalaunan ay nakahalata si Alexis sa ginagawa ni Hash.

Kabilang sa kanyang nabili ay isang refrigerator. Dahil hindi naman daw magagamit ni Alexis ay napagpasyahan nilang ibibigay na lang nila iyon bilang giveaway sa maswerteng follower nila na mapipili.

Read also

Ogie Diaz sa birthday outfit ng anak niyang si Erin: "Pag ikaw, sinipon, inubo, pinulmonya.."

Marami ang natuwa sa kanila dahil ayon sa mga netizens ay natural sila at sweet.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sbrang bagay kayo dlwa ang natural nyo tignan so sweet and mkikita mo tlgang inlove kyo s isat isa. More years to come to both of you.
Ang ganda talaga ni alexis plus makikita mo talaga sa mukha nyang super bait at simple lang syang tao bagay kayo❤Happy Monthsarry sa inyo kuya and ate.
A match made in heaven. I'm always looking forward sa vlog na magkasama kayong dalawa. Hindi nkakasawa panoorin, nka ngiti lang ako palagi sa whole video

Si Hashim Alawi ay kapatid ng aktres na si Ivana Alawi na sumikat sa kanyang mga YouTube videos. Matapos ang ilang beses na paglabas ni Hash palagi sa mga video ng kapatid, marami ang humanga sa kanya.

Read also

Andrei Trazona, ibinida ang kanyang tribute performance para sa grupong kinabilangan ng ina

Sa kanyang vlog, sinubukan ni Hashim na maging empleyado sa isang food truck. Pinag-aralan niya kung paano maghanda ng mga pagkain na binibenta sa naturang food truck. Kinalaunan ay sinabi ni Hash na gagawa siya ng para sa isang taong espesyal sa kanya na kanyang tinawag na "special friend." Hinatid niya mismo ito sa kanyang special friend ngunit hindi pa nito pinapakita sa publiko kung sino itong special friend na kanyang tinutukoy.

Samantala, marami ang natuwa sa magkakapatid na Alawi sa isang video na binahagi ni Hash sa kanyang YouTube channel. Sinubukan nito kung paano maging tindero ng streetfood kagaya ng kikiam fishball, suidball at marami pang iba. Matapos malamang umaabot ng 3,000 ang kita ng mga tindero pag naubos ang kanilang paninda, binigyan sila ni Hash ng 5,000. Siya din ang nagluto ng mga paninda ng mga ito na kanyang pinamigay sa mga taong nais bumili.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate