Hash Alawi, sinubukan kung paano maging tindero ng fishball

Hash Alawi, sinubukan kung paano maging tindero ng fishball

- Marami ang natuwa sa magkakapatid na Alawi sa panibagong video na binahagi ni Hash Alawi sa kanyang YouTube channel

- Sinubukan nito kung paano maging tindero ng streetfood kagaya ng kikiam fishball, suidball at marami pang iba

- Matapos malamang umaabot ng 3,000 ang kita ng mga tindero pag naubos ang kanilang paninda, binigyan sila ni Hash ng 5,000

- Siya din ang nagluto ng mga paninda ng mga ito na kanyang pinamigay sa mga taong nais bumili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi man sanay maging tindero, sinubukan ni Hash Alawi kung paano ba maging tindero ng streetfood kagaya ng kikiam fishball, suidball at marami pang iba. Binayaran muna niya ang paninda ng tindero ng streetfood at siya din mismo ang nagluto ng mga paninda ng mga ito na kanyang pinamigay sa mga taong nais bumili.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Hash Alawi, sinubukan kung paano maging tindero ng fishball
Hash Alawi (@hash.alawi)
Source: Instagram

Binigyan ni Hash ng 5,000 ang mga tindero. Dinumog naman ng mga tao ang cart kung saan si Hash ang nagluluto. Bukod sa libre, marami na rin ang nakakakilala sa kapatid ng sikat na vlogger na si Ivana Alawi.

Kinalaunan ay pumunta din sina Ivana at Mona sa pwesto ng kanilang kapatid. Marami ang natuwa sa magkakapatid dahil kahit may kaya ang mga ito sa buhay ay nakikisalamuha pa rin sa mga tao.

Ang bait mo kuya Hash Sobrang simple mo lang at napaka humble talaga ng Alawi family❤ Magalang, marespeto, at makatao! You inspire a lot of people po kuya hash

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

I am praising their parents for raising kindhearted children. Hopefully, other influencers will be like them helping other people.. God bless you Hash and Alawi Family

Read also

Jolina, ini-flex ng mister na si Mark Escueta sa Mother's day greeting nito sa kanya

Alawi siblings ang ganda ng pagpapalaki ng magulang nila saknla esp. ng mommy nila hindi sila maere na tao kahit mayaman sila magagalang pa na bata.. credits to Mama Alawi nice one mama A

Si Hashim Alawi ay kapatid ng aktres na si Ivana Alawi na sumikat sa kanyang mga YouTube videos. Matapos ang ilang beses na paglabas ni Hash palagi sa mga video ng kapatid, marami ang humanga sa kanya.

Matatandaang sinorpresa ni Ivana si Hashim sa pamamagitan ng pakikipag collab nito kay Donnalyn. Unang beses na inamin ni Hashim na hinahangaan niya si Donnalyn sa isang vlog ni Ivana kung saan naibunyag nito ang tungkol sa paninigaw sa kanya ng isang TV host.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel