Jolina, ini-flex ng mister na si Mark Escueta sa Mother's day greeting nito sa kanya

Jolina, ini-flex ng mister na si Mark Escueta sa Mother's day greeting nito sa kanya

- Todo-todo ang papuri ni Mark Escueta sa misis niyang si Jolina Magdangal sa Mother's Day greeting nito para sa kanya

- Aniya, araw-araw na namamangha pa rin si Mark kay Jolina lalo na sa mga nagawa nito nitong mga nagdaang buwan

- Matatandaang sina Mark at Jolina ay ilan lamang sa mga volunteers ni VP Leni Roobredo para sa kandidatura nito sa pagka-pangulo

- Aniya, nagpahinga lang sila sa Araw ng mga ina subalit babawi sila sa ibang araw para magdiwang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang nai-flex ni Mark Escueta ang misis na si Jolina Magdangal sa Mother's day greeting nito para sa kanya.

Jolina, ini-flex ng mister na si Mark Escueta sa Mother's day greeting nito sa kanya
Mark Escueta at Jolina Magdangal (Jolina Magdangal)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nakahabol pa ng pagbati si Mark sa kanyang misis gayung maghapon lamang silang nagpahinga imbis na ipagdiwang ito.

"Pasenya ka na mahal at buong araw nagpahinga lang tayo. Hindi ako nakapag handa ng regalo para sayo, or dinner man lang. Kagabi at hanggang ngayon lang yata natin hinayaan ang sarili nating magpakita at makaramdam ng pagod dahil bawal na rin namang mangampanya," paliwang ni Mark.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Gayunpaman, labis-labis ang papuri ni Mark kay Jolina lalo na sa mga nagawa nito nitong nagdaang ilang buwan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Napakaraming amazing things ang nagawa mo these past few months at dahil doon, nahirapan akong pumili ng photo para sa Mother's Day"
"Sobrang proud ako sayo at sa naging dedication mo these past 3 months. Napakarami mo ring na-inspire para tumindig para sa kanilang mga anak at pamilya."

Aniya, babawi umano sila ng pagdiriwang sa mga susunod na araw kung saan tahimik at wala silang kasabay gayung araw-araw pa rin naman umano siyang namamangha kay Jolina.

Narito ang kabuuan ng kanyang pagbati:

Isa lamang ang Kapamilya star na si Jolina Magdangal sa mga kilalang personalidad na boluntaryong sumusuporta umano sa kandidatura nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan sa pagka-presidente at bise presidente.

Read also

Ogie Diaz sa umano'y bagong love life ni Barbie Imperial: "'Yan ang aalamin natin"

Gayundin ang mister nitong si Mark Escueta na drummer ng bandang Rivermaya na madalas ding kasama ng grupo ni Robredo sa mga People's rally sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Kamakailan, hinangaan si "Mamshie Jolens" sa kakaiba niyang house to house campaign kung saan nakarating pa ito sa balkonahe ng isang bahay at nakumbinsi pa ang umano'y may-ari nito na sina "Leni at Kiko" na ang suportahan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel