Trina Candaza, napa-post ng "patience" sa gitna ng balitang nagsampa ng kaso si Carlo Aquino

Trina Candaza, napa-post ng "patience" sa gitna ng balitang nagsampa ng kaso si Carlo Aquino

- Nagpost si Trina Candaza sa kanyang Instagram stories ng salitang "patience"

- Ito ay sa gitna ng lumabas na balitang nagsampa umano ng kaso ang ex niyang si Carlo Aquino para sa visitation rights nito sa anak nilang si Mithi Enola

- Matatandaang sa naunang panayam kay Trina ay nabanggit niya na bukas naman siya sa co-parenting nila

- Gayunpaman, ayaw niyang ipakilala ang anak niya sa partner ni Carlo kung hindi pa naman ito pinapakasalan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Trina Candaza ng salitang 'Patience' sa kanyang Instagram stories. Ito ay kasunod ng paglabas ng balitang nagsampa umano ng kaso si Carlo Aquino para sa visitation rights niya sa anak nilang si Mithi.

Trina Candaza, napa-post ng "patience" sa gitna ng balitang nagsampa ng kaso si Carlo Aquino
Trina Candaza, napa-post ng "patience" sa gitna ng balitang nagsampa ng kaso si Carlo Aquino
Source: Instagram

Matatandaang sa naunang panayam ni Ogie Diaz kay Trina, nabanggit niyang hangga't maari ay kung kukunin ni Carlo ang anak ay sa anak lang niya ang atensiyon niya.

Read also

Ogie D, sinubukang hingan ng pahayag si Trina ukol sa visitation rights ni Carlo sa anak

"Ang sa akin lang, kapag kukunin niya si Mithi, gusto ko, si Mithi lang sana. Mamili siya kung kanino niya i-spend 'yung time niya. Sa daughter niya, sa new girl niya, or sa friends niya. I think Mithi doesn't deserve na may kahati sa time."

Ayaw din daw sana niyang ipakilala ang anak sa girlfriend ni Carlo dahil ayaw niyang isipin ng bata na ayos lang magpalit-palit ng partner.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Respect na lang sa akin, na huwag munang ipakilala si Mithi sa mga panibagong partner. Kasi ayaw ko ring i-instill sa utak ng anak ko, sa values niya, na okay lang magpapalit-palit ng partner. If ever man dumating 'yung panahon na may papakasalan na siya, siguro 'yun kailangan na namin magkita kita."
Trina Candaza, napa-post ng "patience" sa gitna ng balitang nagsampa ng kaso si Carlo Aquino
Trina Candaza, napa-post ng "patience" sa gitna ng balitang nagsampa ng kaso si Carlo Aquino (@trinacandaza)
Source: Instagram

Si Trina Candaza ang dating karelasyon ni Carlo Aquino. Si Carlo ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Read also

Hash Alawi, kinaaliwan sa vlog niyang "Buying everything Alexis touches"

Matatandaang inalmahan ni Barbie Imperial ang pandadawit sa kanya sa paghihiwalay nina Carlo at Trina Candaza. Sa kanyang YouTube video kung saan nagbasa at nag-react siya sa mga mean comments sa kanya, isang netizen ang nagsabing siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dating magkarelasyon. Nilinaw ni Barbie na hindi siya ang dahilan lalo at naghiwalay umano sila noong nakaraang taon at ngayong taon lang sila nagkatrabaho ni Carlo. Nagkasama sina Barbie at Carlo sa pelikulang "I Love Lizzy" na bahagi ng 30th anniversary ng Star Magic.

Kamakailan ay muling namataan si Carlo Aquino kasama ang aktres na si Charlie Dizon sa isang restaurant sa La Union. Sa isang Facebook post ng Halo Halo de iLoko sa La Union, makikita ang picture ng dalawa. Matatandaang nauna na ring nagbahagi ng picture si Charlie kung saan kasama niya si Carlo habang kasama ang mga kaibigan ng aktres. Ang huling napabalitang karelasyon ni Carlo ay si Trina Candaza na siyang ina din ng anak niyang si Mithi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate