Ogie D, sinubukang hingan ng pahayag si Trina ukol sa visitation rights ni Carlo sa anak

Ogie D, sinubukang hingan ng pahayag si Trina ukol sa visitation rights ni Carlo sa anak

- Nakausap umano ni Ogie Diaz si Trina Candaza ukol sa visitation rights ni Carlo Aquino sa anak ng mga ito na si Mithi

- Tikom umano ang bibig ni Trina tungkol dito sa kabila ng espekulasyon ng ilan na si Carlo ang pinatutungkulan nito sa bagong post

- Binalikan din ni Ogie ang bahagi ng naging panayam niya noon kay Trina kung saan nabanggit na nito ang visitation rights ni Carlo sa anak

- Muling napag-usapan sina Carlo at Trina nang hindi sumipot ang aktor sa 3rd birthday ng kanilang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hiningan ni Ogie Diaz ng pahayag si Trina Candaza ukol umano sa napapabalitang pag-file ni Carlo Aquino ng visitation rights para sa anak nilang si Enola Mithi.

Ogie D, sa umano'y visitation rights ni Carlo Aquino: "Nangangahulugang nasa korte na nga"
Ogie Diaz, Enola Mithi, Trina Candaza (Trina Candaza FB)
Source: Facebook

Naging usap-usapan ito kamakailan matapos na hindi dumalo ni Carlo sa birthday party ng anak nila ni Trina.

Read also

Ogie Diaz sa birthday outfit ng anak niyang si Erin: "Pag ikaw, sinipon, inubo, pinulmonya.."

"Ayaw niya munang magsalita. Pipiliin niyang manahimik alang-alang daw kay Mithi. Nangangahulugan nga (Mama Loi) na nasa korte na nga ang kaso at bawal sa magkabilang party ang magsalita," saad ni Ogie na binalikan na lamang ang naging interview kay Trina kung saan nasabi nito ang tungkol sa pagbisita ni Carlo kay Mithi.

Sa naturang nagdaang panayam, hiling ni Trina na kung kukunin man ni Carlo si Mithi, wala sana itong kahati sa oras ng aktor.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nangangahulugang kung kasama ng aktor si Mithi, sana'y hindi nito kasama ang bagong partner. Paliwanag ni Trina, ayaw niyang mamulat ang anak sa ideyang nagpapalit-palit ng karelasyon ang ama. Maari lang sana umanong gawin ito ni Carlo kung naikasal na ito gayung tatayong ikalawang ina ni Mithi ang mapapangasawa ng ama.

Si Trina Candaza ang dating partner ni Carlo Aquino na kamakailan lamang ay umamin na ng estado umano ng relasyon nila ng kapwa artista na si Charlie Dizon.

Read also

Francine Diaz, muling nakausap si Dr. Tyler sa kanyang Instagram live

Sa naturang panayam din ni Ogie Diaz kay Trina, nabanggit nito ang pagkakataong sinubukan pa umano niyang ayusin ang pagsasama nila ni Carlo nang magpadala pa rin umano ito ng bulaklak sa kanya kahit sila ay hiwalay na.

Nilinaw din niya ang tungkol sa naging kontrobersyal na pahayag ni Carlo kung saan nais na raw nitong makita ang anak na si Mithi na hindi nakakasama muli mula pa noong Nobyembre ng 2022. Ani Trina, alam ni Carlo kung saan sila naglalaging mag-ina at anumang oras ay maari itong pumunta. Subalit sadyang hindi lang daw umano nagpupunta ang aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel