Francine Diaz, muling nakausap si Dr. Tyler sa kanyang Instagram live

Francine Diaz, muling nakausap si Dr. Tyler sa kanyang Instagram live

- Nakasama ni Francine Diaz sa kanyang Instagram live si Tyler Bigenho na kamakailan ay nakasama ni Francine sa vlog nang magpa chiropractic massage siya kamakailan

- Kasalukuyang nasa Indonesia si Dr. Tyler at nagbabakasyon at game itong nakipagkulitan kay Francine at mga kaibigan nito

- Matatandaang maraming kinilig sa pag-uusap nila ni Francine sa session nito

- Sa sususnod na vlog ni Francine ay ibabahagi niya ang kanilang naging pag-uusap pagkatapos ng treatment sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakausap ni Francine Diaz si Dr. Tyler Bigenho sa kanyang Instagram live. Kinaaliwan ang kanilang kumustahan at pag-uusap.

Francine Diaz, muling nakausap si Dr. Tyler sa kanyang Instagram live
Francine Diaz, muling nakausap si Dr. Tyler sa kanyang Instagram live (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Sa kanilang pag-uusap ay nabanggit ni Dr. Tyler na nasa Indonesia siya. Pinakilala naman ni Francine ang kanyang mga kaibigan na kasama niya.

Game na nakipagkulitan si Dr. Tyler kagaya sa kanilang sagutan ni Francine nang pumunta ang aktres sa clinic nito para sumailalim sa chiropractic therapy.

Read also

Ogie D, sinubukang hingan ng pahayag si Trina ukol sa visitation rights ni Carlo sa anak

Matatandaang naibahagi ni Francine sa kanyang vlog ang kanyang pagbisita doon at ang kanilang naging pag-uusap. Marami ang kinilig sa kanila dahil may chemistry daw sila ayon sa mga netizens.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Read also

Andrei Trazona, ibinida ang kanyang tribute performance para sa grupong kinabilangan ng ina

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel