Ogie Diaz, napatanong kung mayroon na bang naparusahang social media troll
- Isa sa natalakay ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update YouTube channel ay ang tungkol sa Kapisanan ng social media broadcaster ng Pilipinas
- Sila umano ang grupong sumegunda sa reklamong kinakaharap nina Vice Ganda at Ion Perez sa "It's Showtime"
- Ito umano ay kaugnay pa rin sa icing incident sa nasabing noontime show na labis na pinag-usapan
- Napatanong tuloy umano si Ogie kung mayroon na bang mas mabigat na insidente na nabigyang pansin ng naturang kapisanan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Ate Mrena sa Ogie Diaz YouTube channel ang tungkol sa umano'y reklamong naisampa rin ng Kapisanan ng social media broadcaster sa Pilipinas laban kina Vice Ganda at Ion Perez.
Ito ay kaugnay pa rin sa sa kontrobersyal na icing incident na nangyari sa It's Showtime noong Hunyo.
Sa kabila ng reklamong ngayo'y nasa MTRCB na, sumegunda ang nasabing kapisanan na nakitang may nilabag din umano ang dalawa na nakaabot sa social media ang sinasabing nagawa nila.
"Pumangalawa ang kapisanan ng social media broadcaster ng Pilipinas na personally ha, ngayon ko lang siya narinig. kung hindi pa nag-file ng case dito kay Vice at kay Ion. E hindi ko pala malalaman na meron pa lang existing na ganung samahan."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Since 2017 pa itinatag ang kapisanan na ito, gusto ko hong malaman kung meron na ho bang naparusahan na mga trolls. Para maging malinis ho ang nasa hanay natin, Ang tanong ko nalang, wala po bang mas mabigat bigat na kaso na pwedeng tumalo sa case ni Vice at ni Ion. Kasi as it is, nandun naman yan sa MTRCB. So kung ang thinking natin ay para mas mabigat pa lalo, at mas magkaroon ng mas matagumpay na panalo na ginawa nina Vice at Ion, lalo tuloy naghihimagsik yung mga netizen e. Kasi naghahanap sila ng 'yun pong mabigat-bigat sana."
Samantala, nabanggit din ni Ogie na naglalayon din ang nasabing samahan na i-seminar ang mga social media broadcasters kung paano maging responsable sa pagbabalita at paghahayag online.
Gayunpaman, nag-iwan ng mensahe si Ogie sa naturang kapisanan bilang bahagi rin siya ng sinasabing social media broadcasters na ito
"Sa kapisanan ang suggestion lang din po namin bilang kami po ay miyembro ng social media rin kung ituturing niyo kami ha, E sana, pantay-pantay po ang inyong pagtingin sa lahat"
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:
Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.8 million subscribers.
Nito lamang Hunyo 28 ng kasalukuyang taon, pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It's Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV.
Samantala, matatandaang pinayuhan pa ni Ogie Diaz si Vice Ganda at mga kasama nito sa It's Showtime na mag-courtesy call sa MTRCB upang sila ay mas maunawaan ng naturang ahensya na nooo'y wala pang desisyon ukol sa mga reklamong nakarating sa kanila kaugnay ng noontime show.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh