Neri Miranda, namigay ng vegetable seeds para makabawas stress ng mga nagba-budget

Neri Miranda, namigay ng vegetable seeds para makabawas stress ng mga nagba-budget

- Namahagi si Neri Miranda ng mga vegetable seeds para sa kanyang mga followers

- Ito ay para daw mabawasan ang stress ng mga nagba-budget sa bahay dahil sa mahal ng bilihin

- Aniya, kahit walang bakuran ay pwede namang magtanim sa paso para makatipid kahit papaano

- Kasunod ito ng kanyang binahaging P1K sample meal plan para sa loob ng isang linggo na umani ng mga komento

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Namahagi ng vegetable seeds si Neri Miranda kasunod ng kanyang binahaging P1K sample meal plan para sa loob ng isang linggo. Aniya, gusto niyang mabawasan ang stress ng mga nagba-budget sa bahay.

Neri Miranda, namigay ng vegetable seeds para makabawas stress ng mga nagba-budget
Neri Miranda, namigay ng vegetable seeds para makabawas stress ng mga nagba-budget (@mrsnerimiranda)
Source: Instagram

Ani Neri, kahit walang bakuran kagaya sa kanya, maaring makapagtanim sa mga paso.

Ang dami kong vegetable seeds! Sinong may gusto? Kahit walang bakuran, pwede magtanim sa paso.

Read also

Ogie Diaz sa birthday outfit ng anak niyang si Erin: "Pag ikaw, sinipon, inubo, pinulmonya.."

Bukod sa seeds, handa din siyang mamahagi ng itlog mula sa kanilang farm ngunit aniya ay baka mabasag ito kapag pinadala.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dali, mamimigay ako ng mga seeds! Para mabawasan ang stress ng mga nagba-budget sa bahay. Kung pwede rin sana mga eggs namin sa farm kaso baka mabasag pagdating sa inyo eh.

Si Neri naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2914 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Hindi man aktibo sa showbiz, naging matagumpay si Neri pagdating sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa kanya ngunit mayroon ding mga negatibo ang pagtanggap sa pagbabahagi ni Neri tungkol sa kanyang mga negosyo. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Neri ang kanyang pasasalamat sa kanyang mister na si Chito. Kaugnay ito sa kanyang natanggap na regalo mula sa kanyang mister na massage chair. Isang netizen naman ang tila hindi nagustuhan ang pag-post na ito ni Neri at sinabihan niya itong mayabang. Imbes na magalit, sinabi ni Neri na malalampasan din ng naturang netizen kung ano man ang pinagdadaanan niya.

Read also

Cristy, naikwentong puring-puri umano si KC Concepcion ng mga Pinoy sa UK

Hindi naman pinalampas ni Chito ang isang netizen na nagsabing mayabang sila ng kanyang asawang si Neri. Sinabihan ni Chito ang netizen na mag-unfollow na lang kung naiinis siya sa post ni Neri dahil mayroon namang mga netizens na na-iinspire sa post ng kanyang asawa. Dagdag pa ni Chito, social media account naman ni Neri iyon kaya may kalayanan naman siyang i-post ang mga bagay na gusto niyang isapubliko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate