Ogie Diaz, sakaling makita muli si Liza Soberano: "Ayaw ko kasi na ako ang lalapit para bumati"

Ogie Diaz, sakaling makita muli si Liza Soberano: "Ayaw ko kasi na ako ang lalapit para bumati"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz sakaling magkita muli sila ni Liza Soberano

- Si Liza ay dating talent ni Ogie Diaz bago ito mapunta sa Careless Ph kung saan isa si James Reid sa umano'y namamahala rito

- Aminado si Ogie na 'di siya ang unang lalapit sakaling magkita sila ni Liza

- Kamakailan, gumawa ng ingay ang vlog ni Dra. Vicki Belo kung saan kasama niya si Liza subalit "Hope" ang tawag niya rito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natanong si Ogie Diaz ni Mama Loi sa channel nilang Ogie Diaz Showbiz Update kung ano ang posible nitong gawin sakaling magkita muli sila ni Liza Soberano.

Ogie Diaz, sakaling makita muli si Liza Soberano: "Ayaw ko kasi na ako ang lalapit para bumati"
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Ito ay matapos nilang mapag-usapan ang pagbubukas ng Gucci store na dinaluhan ng mga artista kabilang na si Liza Soberano.

Read also

Ogie D sa bagong show ni Liza Soberano na 'Liza in Korea': "Ibigay natin sa kanya 'yun"

Ayon kay Ogie, babatiin naman niya umano si Liza subalit aminado siyang hindi siya umano ang unang lalapit.

"Bakit naman hindi? Siyempre babatiin ko 'yung bata kung babatiin ako. Ayaw ko kasi na ako ang lalapit para bumati. Kasi nakakahiya naman baka ako isnabin. Pero 'pag ako inunahan ni Liza na batiin, babatiin ko si Liza," paliwanag niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang bago mapunta si Liza sa Careless ph na pinamamahalaan nina James Reid, si Ogie ang manager ni Liza sa loob umano ng sampung taon.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie Diaz:

Si Liza Soberano na ngayo'y tinatawag din bilang si Hope Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Read also

Ogie D, sinubukang hingan ng pahayag si Trina ukol sa visitation rights ni Carlo sa anak

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Kamakailan, muling gumawa ng ingay si Liza online dahil sa tawag sa kanya ni Dra. Vicki Belo nang maging panauhin siya nito sa kanyang vlog. Sa halip na Liza, "Hope" ang tawag nito sa kanya. Inakala tuloy umano ng marami na tuluyan nang 'Hope' ang ginagamit na pangalan ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel