Mayor Niña Jose sa bashers: "Lahat ng masasabi nyo na masasama sakin, I-consolidate natin"
- Inalmahan ni Bayambang Mayor Niña Jose ang mga bashers na pumuna sa kanyang paninita kamakailan ng mga mag-aaral na aniya ay walang galang
- Hinamon niya ang mga bashers na banggitin nila sa comment box ang mga masasamang masasabi sa kanya
- Iginiit niyang pinaninindigan niya ang kanyang naging aksiyon para maturuan ng leksiyon ang mga nagkomento
- Aniya, pwede naman magpuna nang may paggalang pa rin at bukas umano siya sa mga ito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hindi pinalampas ni Mayor Niña Jose ang mga bashers na pumuna sa kanyang paninita kamakailan ng mga mag-aaral na aniya ay walang galang. May hamon siya sa mga bashers na ilagay na ang lahat ng masasamang masasabi nila sa kanya.
Yes, I am OA, I Am Pikon, I am Unbecoming, Yes, Yes you are all heard and validated. Lahat ng masasabi nyo na masasama sakin Iconsolidate natin lagay nyo nalang dito sa comment section ng post na to.
Muli ay sinabi niyang ang freedom of speech ay hindi nangangahulugang maari nang magkomento ng mga hindi kaaya-aya sa kapwa.
Ok lang naman for me, I am still standing by my actions and if this is the consequence it’s okay. Ano pa ba, Patolera? Bakit ka NagMayor eh Pikon ka pala? lagay nyo lahat dito. Yes Im a public official, but I am also a human being, and again like what I said, freedom of speech doesn’t give you any right to disrespect anyone.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dagdag pa niya nagsasalita siya para sa mga taong nakakaranas ng pambabastos.
You can criticize someone respectfully. We, I speak in behalf of public officials (and not just “politicians”) this includes teachers, people in authority, etc deserve respect too. Also again, before you say something bad about us make sure may nagawa na kayo sa bayan nyo Hindi yung puro opinion lang etc.
Si Niña Jose o Mary Claire Niña José-Quiambao sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong taong 2006. Taong 2017 nang ikasal siya kay Cezar Quiambao na isang politiko at businessman mula Bayambang, Pangasinan.
Para sa tanong ng kanyang mister kung magpapakasal pa siyang muli sakaling mauna siyang pumanaw, diretsahan ang naging sagot ni Niña Jose. Aniya, hindi na siya magpapakasal muli sakaling mangyari ang ganoong bagay. Nagkasubukan ang mag-asawa sa husay sa pagsagot sa mga katanungan nila sa isa't-isa sa kanilang Lie Detector Challenge. Ito ay kanilang ibinahagi sa pagdiriwang ng kanilang wedding anniverary upang maipakita sa publiko at mas makilala pa silang mag-asawa.
Hindi ipinagkaila ni Mayor Cezar Quiambao na si Niña ang kanyang greatest love. Inamin niya ito matapos itanong sa kanya ng misis ang tungkol dito sa kanilang ginawang Lie Detector Challenge. Aminado din itong na love at first sight siya sa misis na una munang naging kaibigan bago niya naging karelasyon. Naiintriga at nahuhusgahan man dahil sa kanilang 33 taong agwat ng kanilang edad, laging ibinabahagi ni Niña kung gaano niya kamahal ang kanyang mister.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh