Mayor Niña Jose, nakausap na ang nagkomento sa kanya at ang magulang nito

Mayor Niña Jose, nakausap na ang nagkomento sa kanya at ang magulang nito

- Naibahagi ni Bayambang Mayor Niña Jose na nakausap niya na ang nagkomento sa kanya at ang magulang nito

- Humingi na raw sila ng dispensa sa kanya sa kanilang pag-uusap

- Nilinaw niyang hindi siya nagalit dahil sa ganoon siya kinausap kahit mayor siya

- Aniya, kaya ganoon na lamang ang kanyang reaksiyon ay dahil maraming kabataan ngayon ang hindi marunong rumespeto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Bayambang Mayor Niña Jose na humingi ng dispensa sa kanya ang isa sa mga batang kanyang inalmahan kaugnay sa kanilang komentong aniya ay walang respeto.

Mayor Niña Jose, nakausap na ang nagkomento sa kanya at ang magulang nito
Mayor Niña Jose, nakausap na ang nagkomento sa kanya at ang magulang nito
Source: Facebook

Paglilinaw niya, kaya siya nagagalit ay dahil marami sa kabataan ngayon ang hindi alam rumespeto.

Aniya, gusto niyang magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga kabataan sa kanyang nasasakupan.

I want children of Bayambang to have a bright future ahead of them guided not just by education but by their morals and values. Paano Nila maabaot pangarap Nila Kung wala sila magandang asal?

Read also

Mayor Niña Jose, umalma sa komento sa kanya: "No one has any right to degrade me"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinaliwanag niya rin kung bakit niya isinapubliko ang mga komento ng mga ito.

Una, Hindi lang naman sila yung ganyan at this is not the first time.I could’ve messaged them privately, yes, and (I did by the way)the thing is, let’s be honest here, these kids will not learn the basic human value of humility and accepting their faults if I did not bring this issue publicly.

Si Niña Jose o Mary Claire Niña José-Quiambao sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong taong 2006. Taong 2017 nang ikasal siya kay Cezar Quiambao na isang politiko at businessman mula Bayambang, Pangasinan.

Para sa tanong ng kanyang mister kung magpapakasal pa siyang muli sakaling mauna siyang pumanaw, diretsahan ang naging sagot ni Niña Jose. Aniya, hindi na siya magpapakasal muli sakaling mangyari ang ganoong bagay. Nagkasubukan ang mag-asawa sa husay sa pagsagot sa mga katanungan nila sa isa't-isa sa kanilang Lie Detector Challenge. Ito ay kanilang ibinahagi sa pagdiriwang ng kanilang wedding anniverary upang maipakita sa publiko at mas makilala pa silang mag-asawa.

Read also

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

Hindi ipinagkaila ni Mayor Cezar Quiambao na si Niña ang kanyang greatest love. Inamin niya ito matapos itanong sa kanya ng misis ang tungkol dito sa kanilang ginawang Lie Detector Challenge. Aminado din itong na love at first sight siya sa misis na una munang naging kaibigan bago niya naging karelasyon. Naiintriga at nahuhusgahan man dahil sa kanilang 33 taong agwat ng kanilang edad, laging ibinabahagi ni Niña kung gaano niya kamahal ang kanyang mister.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel