MTRCB, naglabas ng statement: "Chairperson Lala Sotto inhibited from voting"
- Naglabas ng statement ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)
- Ito ay ukol sa desisyon kaugnay sa ipinataw na suspensiyon sa It's Showtime
- Ayon sa MTRCB, hindi bumoto si Chairperson Lala Sotto upang makapagdesisyon nang maayos ang board
- Ayon pa sa ahensiya, makakaasa ang publiko na mananatili silang fair sa kanilang mga desisyon sa pamamagitan ng pagdaan sa tamang proseso
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hindi raw sumali sa pagboto si MTRCB chairman Diorella “Lala” Sotto-Antonio kaugnay sa suspensiyon ng It's Showtime. Ayon sa ahensiya, makakaasa ang publiko sa kanilang "fairness" at pagdaan sa tamang proseso.
Ayon sa nilabas na statement ng MTRCB, unanimous ang naging desisyon ng board na suspendihin ang naturang noontime show.
“Last 17 August 2023, a special board meeting was held to address multiple adjudicated cases, including the 25 July 2023 episode of ‘It’s Showtime.’ On 29 August 2023, during its regular board meeting, the Board unanimously voted on the suspension of the said program,”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Muli ay sinabi nila na maaring pang makapagfile ng motion for reconsideration ang producer ng It's Showtime.
Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinakamatagal variety show ng ABS-CBN.
Naibahagi din ni Vice Ganda na mismong siya ang nag-request sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kung pwede daw ba siyang mag-guest sa isang show sa GMA-7. Hindi niya binanggit kung anong show ang tinutukoy niya pero aniya ay gusto talaga niya mag-guest doon kung mabibigyan ng pagkakataon. Aniya, marami din ang nagtatanong at nag-aabang kung makapag-guest daw ba kaya siya sa show na iyon. Ayon naman daw kay Tita Cory ay sasabihin niya sa mga boss at baka magawan ng paraan.
Ayon kay MTRCB Chair Lala Sotto, ilang beses na silang nagbigay ng warning sa 'It's Showtime'. Kaugnay umano ito sa mga nagagawang violation ng noontime show. Sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin, nabanggit niyang hindi na raw nila pwedeng palampasin ang violation. Pinaliwanag niya rin ang proseso bago sila nagbaba ng desisyon na ipatawag ang producers ng It's Showtime.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh