Pambansang Kolokoy, pinakilala kay Baby Juju ang kanyang little sister

Pambansang Kolokoy, pinakilala kay Baby Juju ang kanyang little sister

- Naibahagi ni Pambansang Kolokoy o Joel Mondina sa kanyang vlog ang pagpapakilala niya kay Baby Gigi

- Wala itong ibang binanggit tungkol sa baby kundi little sister siya ng anak niyang si Baby Juju

- Sa kanyang vlog ay pinakita niya ang nakakaaliw na reaksiyon ni Baby Juju nang dalhin niya ito sa kanilang bahay

- Bumuhos naman ang pagbati kay PK sa bagong blessing sa kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakilala ni Pambansang Kolokoy sa kanyang bagong vlog ang sanggol na kanyang tinawag bilang si Baby Gigi. Kinaaliwan ang reaksiyon ng anak niyang si Baby Juju nang ipakita ni PK ang aniya'y little sister nito.

Pambansang Kolokoy, pinakilala kay Baby Juju ang kanyang little sister
Pambansang Kolokoy, pinakilala kay Baby Juju ang kanyang little sister
Source: Youtube

Sa naturang vlog ay makikita ang pag-uwi ni PK galing sa ospital. Pinakita niya si Baby Gigi kay Baby Juju na nag-kiss pa sa kanyang little sister.

Read also

Jennylyn Mercado sa bagong video ni Dennis Trillo: "Bakit ba favorite mo diyan sa banyo!?"

Bumuhos naman ang pagbati kay PK sa bagong blessing sa kanyang pamilya. Narito ang ilan sa mga komento:

Every child is a blessing. May playmate na c Juju. God bless your coming to the world, Baby Gigi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wow! Another baby girl! Congratulations PK!
Cute cute hayaan mu po sir yong mga bumabash sayo sirmagpatuloy kalang sa pagiging mabuting Ama.

Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Matatandaang naglabas si Pambansang Kolokoy ng isang panibagong video na kanyang pinamagatang 'Buwelta.' Dito ay sinabi niyang gusto niyang sagutin ang aniya'y kumakalat na balita sa ngayon. Kabilang sa kanyang mga sinagot sa naturang vlog ay ang paggastos daw niya ng pera ng anak niya. Idinaan ni PK ang kanyang kasagutan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kasamahan niya sa Batang Quiapo na si Hap Rice.

Read also

Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanyang Ogie Diaz acting challenge

Samantala, nakasama ni Pambansang Kolokoy ang kanyang mama sa kanyang vlog. Sa intro ng kanyang vldeo ay sinabi ng mag-ina dahil may mga gusto daw siyang linawin sa mga lumabas na bali-balita. Gayunpaman, hindi din naman natuloy ang kanyang pagsasalita dahil tinawag siya at hindi na bumalik sa video. Natapos ang vlog ni PK na kasama niya ang anak niyang si Baby Juju at nag-mukbang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate