Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanyang Ogie Diaz acting challenge

Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanyang Ogie Diaz acting challenge

- Kinaaliwan si Melai Cantiveros sa kanyang Ogie Diaz acting challenge

- Binahagi ni Ogie sa kanyang TikTok ang todo-bigay na arte ni Melai habang naroroon siya

- Pabirong nagpunas ng mukha niya si Ogie matapos sumigaw-sigaw ni Melai sa kanya

- Tawang-tawa naman ni Ogie nang tila sinubukang amuyin ni Melai ang kanyang hininga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nagpatalbog si Melai Cantiveros sa aktingan at sumabak din siya sa Ogie Diaz acting challenge. Kahit todo-bigay siya sa akting ay tawang-tawa si Ogie sa kanya.

Melai Canticeros, kinaaliwan sa kanyang Ogie Diaz acting challenge
Melai Canticeros, kinaaliwan sa kanyang Ogie Diaz acting challenge
Source: Instagram

Matapos kasi niyang sabihin ang linyang 'Hayup ka! May araw ka rin. Mabubulok ka sa impyerno!" ay pabirong nagpunas si Ogie ng kanyang pisngi na tila natalsikan ng laway ni Melai.

Matapos itong makita ni Melai ay sinubukan niyang amuyin ang kanyang hininga kaya tawang-tawa sa kanya si Ogie.

Read also

Nikko Natividad, dumami raw ang kamag-anak nang manalo sa 'Gandang Lalake'

Narito ang ilang komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wow! Even though it was just a joke, Melai's acting skills are really impressive!
Nakakatawa si melai. Nakakatawa din ang tawa ni Ogie ! Haha!
Pinaulanan mo naman agad si mama ogz ehhh

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jason Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at hambambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Mickey Ablan, ginunita ang isang buwan na pagkawala ni Yzabel at unang buwan ng bunsong anak

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel