Cristy, sa hindi pagkikita nina Sharon at Gabby bago ang kanilang concert: "Ano 'to, Aldub?"

Cristy, sa hindi pagkikita nina Sharon at Gabby bago ang kanilang concert: "Ano 'to, Aldub?"

- Nakarating umano kina Cristy Fermin na hindi nagkikita sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion bago ang kanilang concert

- Sinasabing maging sa pictorials at rehearsals ay hindi umano nagkikita ang dalawa

- Dahil dito, naihalintulad sila sa tambalang AlDub na inabot pa ng ilang buwang bago tuluyang magkita

- Maraming mga fans ng nina Sharon at Gabby ang nasasabik sa kanilang concert sa October 27 na may pamagat na 'Dear Heart'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging sina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ay nagulat nang makarating umano sa kanila ang kwentong hindi nagkakasama sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion bago ang concert nila sa October 27.

Cristy, sa hindi pagkikita nina Sharon at Gabby bago ang kanilang concert: "Ano 'to, Aldub?"
Gabby Concepcion and Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

Kahit umano sa mga paghahanda para sa nasabing event, hindi raw talaga nagkikita ang dalawa.

"Hindi raw nagkikita nang personal. Pictorial, rehearsal, sa lahat ng bagay, hindi raw sila nagkikita. At doon na lamang sila ng Dear Heart sila magtatagpo," ani Cristy.

Read also

Ogie Diaz sa pag-call out ng MTRCB kay Vice: "Sobrang conscious na ni Vice Ganda"

"Ano 'to, Aldub? Alden at saka Maine Mendoza?" hindi napigilan ni Cristy na maihalintulad ang dalawa kina Alden Richards at Maine Mendoza o 'Aldub' na hindi basta nagkikita noon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Palagay ko, kung totoo man na ganu'n talaga ang magiging takbo na hindi sila magkikita during the preparation of the show, baka magkahiwalay din 'yung kwarto, may tig-isa silang audio, tapos hindi nagkikita," dagdag pa ni Cristy.

Gayunpaman, maraming mga Sharonians at fans nila ng dati nitong asawa na si Gabby Concepcion ang talagang nasasabik na muli silang makitang magkasama.

Si Sharon Cuneta ay isang singer at actress sa Pilipinas. Sa husay niya sa kanyang larangan tinagurian siyang "Megastar." Taong 1984 nang maganap ang umano'y kasalan nila ni Gabby Concepcion na nauwi rin sa hiwalayan.

Nabiyayaan sila ng supling at ito nga ay si KC Concepcion. Muling nag-asawa ang Megastar at ito nga ay ang dating senador na si Kiko Pangilinan kung saan nabiyayaan sila ng tatlo pang mga anak.

Read also

Pura Luka Vega sa nagdedeklara sa kanyang persona non grata: "dadagdan niyo pa!"

Matatandaang sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz, hindi na napigilan pa ni Sharon ang pagbulalas niya ng totoong estado ng relasyon nila ng anak na si KC. Nabanggit din niya kung gaano niya ito kamahal at gaano ito kahalaga sa kanya lalong-lalo na sa kanilang pinagdaanan bilang mag-ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica