Ogie Diaz sa pag-call out ng MTRCB kay Vice: "Sobrang conscious na ni Vice Ganda"

Ogie Diaz sa pag-call out ng MTRCB kay Vice: "Sobrang conscious na ni Vice Ganda"

- Pansin umano ni Ogie Diaz na nagiging conscious na si Vice Ganda sa nasasabi at ikinikilos nito sa 'It's Showtime'

- Ito ay matapos umanong ma-call out ng MTRCB si Vice dahil sa icing incident nila on screen ni Ion Perez

- Subalit dahil umano sa naturang insidente, marami ang mga nagnanais na makapanood ng 'It's Showtime'

- Wala pang inilalabas na pahayag MTRCB kung ano ang kanilang magiging paghusga sa umano'y naireklamo sa kanilang icing incident sa show

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Ogie Diaz ang kanya umanong napapansin kay Vice Ganda sa It's Showtime. Aniya, buhat nang ma-call out umano ito ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB, tila naging maingat na si Vice sa kanyang mga nasasabi o nagagawa sa noontime show nila.

Read also

Pura Luka Vega sa nagdedeklara sa kanyang persona non grata: "dadagdan niyo pa!"

Ogie Diaz sa pag-call out ng MTRCB kay Vice: "sobrang conscious na ni Vice Ganda"
Ogie Diaz and Vice Ganda FB
Source: Facebook
"Si Vice napapanood ko lately sa It's Showtime, masyado na siyang conscious sa 'di lang para sa kanya. Sa mga nasasabi niya, sa mga ibinubuka ng bibig niya at sa mga ginagawa, nagiging behavior at kung ano man 'yung mga sinasabi ng kanyang mga co-host," ani Ogie.

Maging ang isang bahagi ng show kung saan kumain ng hotdog ang isa nilang kasama sa show at nang maglabas ng cake habang sila ay live na umeere, talagang naging maingat si Vice.

"Naaano na siya, parang napa-praning na siya. 'Yung madalas na pagco-call out sa kanila ng MTRCB, ng mga netizen, talagang dito mo mapapatunayan Loi na pinanonood talaga ang It's Showtime. Lalo pa tuloy tumaas ang curiosity ng mga tao sa It's Showtime."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Ogie Diaz sa umano'y no reply ni Kim Chiu: "Hindi ako galit sa'yo"

Si Vice Ganda ay isang TV host at comedian na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.6 million subscribers.

Nito lamang Hunyo 28, pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It's Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV.

Samantala, minsan na ring nabanggit ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ang umano'y pamamahinga ni Vice ngayong taon sa Metro Manila Film Festival na ginaganap tuwing Disyembre. Ipinalalbas ito sa sinehan sa araw ng Kapaskuhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel