Lovi Poe, pinasilip sa publiko ang kanyang wedding gown fitting

Lovi Poe, pinasilip sa publiko ang kanyang wedding gown fitting

- Binahagi ni Lovi Poe sa kanyang Instagram post ang pagsuot niya ng wedding gown

- Sa kanyang Instagram post ay binahagi niya ang kanyang mirror shots kalakip ng caption na 'fittings'

- Kamakailan ay naibahagi niya rin ang pictures sa ginanap na bachelorette party para sa kanya

- Kasunod ito ng kanyang pagsasapubliko ng kanyang engagement sa boyfriend

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Lovi Poe ang kanyang pagsuot ng wedding gown. Sa kanyang Instagram post ay binahagi niya ang kanyang mirror shots kalakip ng caption na 'fittings'.

Lovi Poe, pinasilip sa publiko ang kanyang wedding gown fitting
Lovi Poe, pinasilip sa publiko ang kanyang wedding gown fitting (@lovipoe)
Source: Instagram

Matapos nga ang kanyang pagsasapubliko tungkol sa kanyang engagement ay hindi pa nakakabalik si Lovi sa bansa para sa taping ng FPJ's Batang Quiapo.

Gayunpaman, sunod-sunod ang naging post niya. Nauna niya nang naibahagi ang pictures sa ginanap na bachelorette party para sa kanya.

Read also

Paye Galang sa gitna ng isyu sa pagdidisiplina ni Toni Fowler sa kanya: "Dami nyong hanash"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Lourdes Virginia Moran Poe o mas kilala bilang si Lovi Poe ay isa sa mga sikat na Pinay actress, recording artist at endorser. Anak siya ng yumaong action star na si Fernando Poe Jr. Pinagbidahan niya ang ilang serye sa GMA-7 kagaya ng Bakekang at Ang Dalawang Mrs. Real. Kasalukuyang bahagi siya ng seryeng FPJ's Batang Quiapo.

Maging sina Toni Fowler at Lovi ay G na G din na kumasa sa 'Bakit malungkot ang beshy ko’ trend. Kinaaliwan ang mag-beshy sa binahaging video ni Toni kung saan maging si Lovi ay naki-tumbling at nakisayaw. Magkasama at matalik na magkaibigan ang karakter na ginagampananan nina Toni at Lovi sa 'FPJ's Batang Quiapo'. Kaya naman, napapasama sa mga post ni Toni si Lovi at na-prank na rin niya ito sa kanyang vlog.

Sa isang vlog ni Toni Fowler sinabi niyang hindi siya titigil hangga't hindi niya na-paprank ang kanyang bessy na si Lovi Poe sa seryeng 'Batang Quiapo.' Kaya naman, nagpaalam si Toni kay Coco Martin sa plano niyang prank kay Lovi. Pumayag naman daw si Coco pero aniya ay hindi niya kayang hindi tumawa pagdating sa pagpaprank kaya ang isa pang direktor ang naging kakuntsaba ni Toni sa kanyang prank. Hindi naman maitago ni Lovi ang kanyang stress habang kunwari ay nakikipagtalo si Toni sa kanilang direktor dahil aniya ay hindi naman ganun ang pagkakakilala niya kay Toni.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate