Heart Evangelista: "It's like I wrote all of my thoughts into a diary and they just stole it"
- Napag-usapan nina Heart Evangelista at ng asawa niyang si Chiz Escudero ang tungkol sa relationship breakups at friendship breakups
- Aminado siyang kahit noon pa man ay clingy siya sa kanyang mga kaibigan dahil kaunti lang naman daw ang kanyang friends
- Sa tingin niya ay imbes na sa mga kaibigan ay dapat mas sumandal siya sa kanyang asawa
- Nasasaktan daw siya lalo at parang pamilya ang turing niya sa mga kaibigan at alam ng mga ito ang lahat lahat sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Aminado si Heart Evangelista na mas masakit para sa kanya ang friendship breakups. Sa kanyang bagong vlog kung saan nakasama niya ang asawa ay nabanggit niyang pamilya ang turing niya sa mga kaibigan kaya masakit para sa kanya lalo at alam umano ng kanyang mga kaibigan ang maraming bagay tungkol sa kanya.
Ani Heart, noon pa man ay clingy siya sa mga kaibigan at sinasabi niya sa mga ito na hindi niya kaya kapag wala ang mga kaibigan. Gayunpaman, ani Heart, sa tingin niya ay mali ito at dapat ay ang kanyang asawa ang dapat niyang pinagkatiwalaan.
"I feel like friendship breakups hurt more. Even in my past, I'm always very clingy to my friends. Because I don't have a lot of friends...I've always been misunderstood, I guess...So whenever I had key people, I literally would tell them that I couldn't live without them. Although that was where I went wrong, I feel. Because I should've gone to you instead of them."
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Dagdag pa ni Heart, pamilya kung ituring niya ang kanyang mga kaibigan kaya masakit para sa kanya ang friendship breakups.
"Yes, it's painful. Because I never treat my friends like friends, I treat them like family. When you treat them like family, they know the good and the bad because you're confident that they saw your heart first, right? So it's painful for me because I can't to my husband about him, right? I rant to my friends about my husband, or whatever. So for me, it's painful because it's like I wrote all of my thoughts into a diary and they just stole it. So for me, friendships are hard."
Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.
Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.
Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh