Heart Evangelista, sinabi ang tungkol sa plano niyang bumili ng tirahan sa Paris

Heart Evangelista, sinabi ang tungkol sa plano niyang bumili ng tirahan sa Paris

- Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris

- Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipanng bumili ng kanyang sariling matitirhan

- Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris

- Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Heart Evangelista na balak niyang bumili ng kanyang matitirhan sa Paris. Nabanggit niya ito sa panayam sa kanya ni Christine Bersola-Babao sa naganap na Art Exhibit niya.

Heart Evangelista, wearing a tan leather long shirt, Louis Vuitton mini skirt, blue and beige checked coat, beige boots and printed bag, during Paris Fashion Week
Heart Evangelista, wearing a tan leather long shirt, Louis Vuitton mini skirt, blue and beige checked coat, beige boots and printed bag, during Paris Fashion Week (Photo by Claudio Lavenia)
Source: Getty Images

Ani Heart, magastos din kapag dumadalo siya sa mga events sa Paris at kung minsan ay mismong sa sarili niyang bulsa ang pambayad. Kaya naman balak niya na lamang bumili ng sarili niyang matitirhan. Sa naturang panyam ay nabanggit niyang patuloy pa rin siya sa paghahanap.

Read also

Kiko Matos: "Di bale ng walang buhok basta may FB"

Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week kung saan naging agaw-pansin ang kanyang fashion.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis. Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nag-alala matapos ibahagi ng aktres ang tungkol sa pagsasailalim niya sa operasyon dahil sa tumubong cyst sa kanyang mukha.

Samantala, sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel