Melai Cantiveros, binahagi sa kanilang nakakaaliw na beach outing

Melai Cantiveros, binahagi sa kanilang nakakaaliw na beach outing

- Kinaaliwan ang video na binahagi ni Melai Cantiveros kung saan nakasama niya ang kanyang mag-aama at iba pang kaanak

- Pumunta sila sa beach sa Punta Fuego sa Batanggas para naman daw makapag-enjoy sila

- Ani Melai, matagal din siyang nawalan ng oras sa mga anak niya mula nang dumating sila mula sa Korea trip nila

- Naging busy din daw ang kanilang mga anak dahil balik na rin agad sila sa pag-aaral

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Melai Cantiveros ang kanilang masayang beach outing kung saan nakasama niya ang kanyang mag-aama at ang kanilang mga kaanak. Aniya, dahil naging abala siya mula nang bumalik sila galing Korea ay napagpasyahan nilang pumunta sa beach.

Melai Cantiveros, binahagi sa kanilang beach outing
Melai Cantiveros, binahagi sa kanilang beach outing
Source: Youtube

Bukod sa kanilang masayang bonding, marami ang nakapansin sa sweetness ng mag-asawa. Narito ang ilang mga komento:

Read also

Maggie Wilson, nagbigay ng 24 oras ultimatum sa mga kasali sa umano'y smear campaign

Ang galing talaga pag true love di nagbabago ang asim at kilig... Keep safe sainyo and love lots
Ang tagal na simula nung pinapanuod ko pa lang kayo sa pbb pero hanggang ngayun kinikilig pa din ako sa inyo iba talaga kapag mahal na mahal ka ng lalake

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinikilig po ako, naalala ko po PBB time MelaSon Forever. At Tama po pagpapalaki niyo po Ani Ate Stela at Mela, Love You MelaSon Family,

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Jhong Hilario, ibinida ang 'snack shopping' nila ng anak na si Sarina Hilario

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel