Maggie Wilson, nagbigay ng 24 oras ultimatum sa mga kasali sa umano'y smear campaign

Maggie Wilson, nagbigay ng 24 oras ultimatum sa mga kasali sa umano'y smear campaign

- Binigyan ni Maggie Wilson ng 24 oras ang mga taong kasali sa umano'y smear campaign sa kanya

- Aniya, kahit nabura na ang mga videos ng mga ito ay mayroon silang kopya ng mga pangalan at iba pang detalye ng mga influencers na sumali

- Hiling niyang makipag-ugnayan ang mga ito sa kanila upang mapagpasyahan nila kung isasali sa kaso ang mga ito

- Matatandaang marami sa mga tiktokers na nagbigay ng kanilang opinyon kaugnay sa isyu ng ACASA Manila ay gumamit ng pare-parehas na hashtags

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakitang muli ni Maggie Wilson ang ilang screenshots ng umano'y pag-uusap tungkol sa ginawang paninira sa kanya. Binigyan niya ng 24 oras ang lahat ng sangkot dito na makipag-ugnayan sa kanila para mapagdesisyunan nila kung isasama ang mga ito sa kanilang legal na aksiyon laban sa umano'y paninirang puri.

Read also

Ilang TikTokers, umamin na scripted ang kanilang ginawang video laban kay Maggie Wilson

Maggie Wilson, nagbigay ng 24 oras ultimatum sa mga kasali sa umano'y smear campaign
Maggie Wilson, nagbigay ng 24 oras ultimatum sa mga kasali sa umano'y smear campaign
Source: Instagram

Kahit may mga nagbura na, sinabi ni Maggie na may kopya sila ng mga pangalan at detalye ng mga nakisaling influencers. Hinikayat niya ang mga ito na makipag-ugnayan sa kanila at ipakita ang screenshots kung paano sila binigyan ng instructions kung ano ang kanilang gagawin.

Maggie Wilson, nagbigay ng 24 oras ultimatum sa mga kasali sa umano'y smear campain
Maggie Wilson, nagbigay ng 24 oras ultimatum sa mga kasali sa umano'y smear campain
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Maggie Wilson ay nakilala bilang isang TV Actress at beauty queen, model at entrepreneur. Hinirang siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Gumanap din siya bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.

Kamakailan ay ni-repost ni Maggie ang naging reaksiyon ni Tim Connor matapos mag-post ni Rachel Carrasco ng picture nila ni Victor Consunji. Binahagi din ni Maggie ang public document ng kaso na isinampa laban sa kanya. Sa IG story ni Tim ay ibinahagi niya ang saloobin kaugnay sa pagsampa sa kanila ng kaso ni Victor ng adultery. Matatandaang si Tim ang naiuugnay sa kasalukuyan kay Maggie sa gitna ng isyu na kinakaharap nito.

Read also

Maggie Wilson, ibinahagi ang screenshot ng umano'y 'script' na binigay sa influencers

Minabuti ni Maggie na linawin na walang nagbago sa kanyang kalagayan sa kabila ng mga post ng kanyang dating asawa. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Maggie ang screenshot ng isang news article na nagsasabing umaasa ang ilang netizens na ang pag-post ng dating asawa niya ay maging simula ng pagtatapos ng kanilang hidwaan. Ani Maggie, hindi pa rin annulled ang kanilang kasal, hindi pa rin sila nag-uusap, may kaso pa rin siya at nakakatanggap ng mga demand letters araw-araw. Nabanggit niya rin na pinagkakait pa rin sa kanya na makita niya ang kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel