Maggie Wilson, ni-repost sa IG story niya ang picture nina Victor Consunji at Rachel Carrasco

Maggie Wilson, ni-repost sa IG story niya ang picture nina Victor Consunji at Rachel Carrasco

- Ni-repost ni Maggie Wilson ang naging reaksiyon ni Tim Connor matapos mag-post ni Rachel Carrasco ng picture nila ni Victor Consunji

- Binahagi din ni Maggie ang public document ng kaso na isinampa laban sa kanya

- Sa IG story ni Tim ay ibinahagi niya ang saloobin kaugnay sa pagsampa sa kanila ng kaso ni Victor ng adultery

- Matatandaang si Tim ang naiuugnay sa kasalukuyan kay Maggie sa gitna ng isyu na kinakaharap nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Maggie Wilson sa kanyang Instagram story ang naging pahayag ni Tim Connor kaugnay sa pag-post ni Rachel Carrasco ng picture nila ni Victor Consunji.

Maggie Wilson, ni-repost sa IG story niya ang picture nina Victor Consunji at Rachel Carrasco
Maggie Wilson, ni-repost sa IG story niya ang picture nina Victor Consunji at Rachel Carrasco (@wilsonmaggie)
Source: Instagram

Nabanggit niya na hindi ginagalang ng dalawa ang sistema dahil sa kanilang ginagawa. Ani Tim, malamang sa ibang Pinoy ay mukhang normal lang ito ngunit aniya ay hindi ito normal sa ibang bahagi ng mundo.

Read also

‘You Do Note’ girl Majo Lingat, binahagi ang picture nila ni Vice Ganda

To the Judges, prosecutors, lawyers, police, family, friends and the media. When are you guys going to stop these two from making a mockery out of you and the system? Some Filipinos might look at this as "normal" but believe me the rest of the world unfortunately really doesn't.
Maggie Wilson, ni-repost sa IG story niya ang picture nina Victor Consunji at Rachel Carrasco
Maggie Wilson, ni-repost sa IG story niya ang picture nina Victor Consunji at Rachel Carrasco (@wilsonmaggie)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binahagi din ni Maggie ang public document ng kaso na isinampa laban sa kanya.

Maggie Wilson, ni-repost sa IG story niya ang picture nina Victor Consunji at Rachel Carrasco
Maggie Wilson, ni-repost sa IG story niya ang picture nina Victor Consunji at Rachel Carrasco (@wilsonmaggie)
Source: Instagram

Si Maggie Wilson ay nakilala bilang isang TV Actress at beauty queen, model at entrepreneur. Hinirang siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Gumanap din siya bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.

Sa kanyang Instagram stories, inilabas na Maggie ang screenshot ng conversation niya sa photo studio na kumuha ng mga pictures sa birthday celebration ng kanyang anak na si Conor. Makikita sa kanilang pag-uusap na nakatakda na sanang i-send ng studio ang mga kopya ng mga pictures kay Maggie. Gayunpaman, inihingi ng dispensa ng studio na hindi na nila mapapadala ang pictures dahil pinagbawalan umano sila. Minabuti namang itago ni Maggie ang pangalan ng taong nagpapabawal na i-post o i-send ang mga birthday photos ni Connor.

Read also

Jessy Mendiola, binahagi ang kauna-unahan nilang family shoot

Samantala, naglabas ng saloobin si Beth Wilson, ang kapatid ni Maggie kaugnay sa kanyang pinagdaanan. Unti-unti na umano siyang 'drained' physically, mentally at emotionally dahil sa lahat ng nangyari. Hiling niya umano sa Panginoon na sana ay matigil na ang aniya'y nonsense na nangyayari. Si Beth ang isa sa mga taong nasa bahay na sinabi ni Maggie na pinuntahan ng staff ng kanyang dating asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel