Maggie Wilson, ibinahagi ang screenshot ng umano'y 'script' na binigay sa influencers

Maggie Wilson, ibinahagi ang screenshot ng umano'y 'script' na binigay sa influencers

- Binahagi ni Maggie Wilson sa kanyang Instagram stories ang screenshot ng umano'y script na pinadala sa mga influencers

- Ang tinutukoy nito ay ang mga lumalabas na TikTok videos ng mga influencers na nagsasalita laban sa kanya kaugnay sa kanyang kompanyang ACASA Manila

- Makikita sa screenshot na 3M followers raw sa TikTok ang hinahanap na influencer at 8K daw ang talent fee

- Nagbigay rin ng babala si Maggie sa mga influencers na sangkot na makipag-usap sa kanya para hindi na madamay sa kaso

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Maggie Wilson ng screenshots ng aniya ay script na binigay sa mga influencers para magsalita laban sa kanya. Makikita sa screenshot na 3M followers raw sa TikTok ang hinahanap na influencer at 8K daw ang talent fee.

Read also

Kulot, manghang-mangha sa aniya'y hi-tech na ref ni Vice Ganda

Maggie Wilson, ibinahagi ang screenshot ng umano'y 'script' na binigay sa influencers
Maggie Wilson, ibinahagi ang screenshot ng umano'y 'script' na binigay sa influencers
Source: Instagram

Nitong nakaraang mga araw ay naging mainit na usapin ang isyu tungkol sa ACASA Manila na pagmamay-ari ni Maggie. Inihingi ni Maggie ng dispensa sa mga customers na hindi pa napapadalhan ng kanilang order. Gayunpaman, nilinaw niyang aayusin at gagawan nila ng paraan ang problema.

Nagbigay rin ng babala si Maggie sa mga influencers na sangkot na makipag-usap sa kanya para hindi na madamay sa kaso.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Maggie Wilson ay nakilala bilang isang TV Actress at beauty queen, model at entrepreneur. Hinirang siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Gumanap din siya bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: “Mas matindi ang intrigahan at mga komento sa mga Koreano"

Kamakailan ay ni-repost ni Maggie ang naging reaksiyon ni Tim Connor matapos mag-post ni Rachel Carrasco ng picture nila ni Victor Consunji. Binahagi din ni Maggie ang public document ng kaso na isinampa laban sa kanya. Sa IG story ni Tim ay ibinahagi niya ang saloobin kaugnay sa pagsampa sa kanila ng kaso ni Victor ng adultery. Matatandaang si Tim ang naiuugnay sa kasalukuyan kay Maggie sa gitna ng isyu na kinakaharap nito.

Minabuti ni Maggie na linawin na walang nagbago sa kanyang kalagayan sa kabila ng mga post ng kanyang dating asawa. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Maggie ang screenshot ng isang news article na nagsasabing umaasa ang ilang netizens na ang pag-post ng dating asawa niya ay maging simula ng pagtatapos ng kanilang hidwaan. Ani Maggie, hindi pa rin annulled ang kanilang kasal, hindi pa rin sila nag-uusap, may kaso pa rin siya at nakakatanggap ng mga demand letters araw-araw. Nabanggit niya rin na pinagkakait pa rin sa kanya na makita niya ang kanilang anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel