Ilang TikTokers, umamin na scripted ang kanilang ginawang video laban kay Maggie Wilson

Ilang TikTokers, umamin na scripted ang kanilang ginawang video laban kay Maggie Wilson

- Binahagi ni Maggie Wilson sa kanyang Instagram stories ang video ng ilang TikToker na humingi ng dispensa sa kanila ni Tim Connor

- Base sa mga pahayag ng ilan sa content creator, may nag-alok sa kanila ng naturang project at may ibinigay daw na script sa kanila

- Nauna nang nabanggit ni Maggie sa kanyang IG stories na makipag-usap sa kanya upang hindi madawit sa posibleng kaso na kanyang isasampa

- Matatandaang maraming TikToker ang gumawa ng video kaugnay dito gamit ang hashtag na #StopTheDramaMaggie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Maggie Wilson ng ilang videos ng TikToker na humihingi ng dispensa sa kanya kaugnay sa ginawa nilang video. Inamin nila na may nag-alok umano sa kanila ng naturang project at binigyan sila ng script.

Ilang TikTokers, umamin na scripted ang kanilang ginawang video laban kay Maggie Wilson
Ilang TikTokers, umamin na scripted ang kanilang ginawang video laban kay Maggie Wilson
Source: Instagram

Ang mga TikToker na ito ay kabilang sa mga gumawa ng video kung saan kinokondina nila ang umano'y pang iiscam ng ACASA Manila, ang furniture store ni Maggie.

Read also

Maggie Wilson, ibinahagi ang screenshot ng umano'y 'script' na binigay sa influencers

Bago ito ay nagpaliwanag si Maggie sa kanyang mga customers kaugnay sa pinagdadaanan ng ACASA matapos umano mawalan ng pera dahil sa ilang empleyado.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Maggie Wilson ay nakilala bilang isang TV Actress at beauty queen, model at entrepreneur. Hinirang siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Gumanap din siya bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.

Kamakailan ay ni-repost ni Maggie ang naging reaksiyon ni Tim Connor matapos mag-post ni Rachel Carrasco ng picture nila ni Victor Consunji. Binahagi din ni Maggie ang public document ng kaso na isinampa laban sa kanya. Sa IG story ni Tim ay ibinahagi niya ang saloobin kaugnay sa pagsampa sa kanila ng kaso ni Victor ng adultery. Matatandaang si Tim ang naiuugnay sa kasalukuyan kay Maggie sa gitna ng isyu na kinakaharap nito.

Minabuti ni Maggie na linawin na walang nagbago sa kanyang kalagayan sa kabila ng mga post ng kanyang dating asawa. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Maggie ang screenshot ng isang news article na nagsasabing umaasa ang ilang netizens na ang pag-post ng dating asawa niya ay maging simula ng pagtatapos ng kanilang hidwaan. Ani Maggie, hindi pa rin annulled ang kanilang kasal, hindi pa rin sila nag-uusap, may kaso pa rin siya at nakakatanggap ng mga demand letters araw-araw. Nabanggit niya rin na pinagkakait pa rin sa kanya na makita niya ang kanilang anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel