Dennis Padilla, sakaling ikasal sina Julia at Gerald: "'Di man nila ako in-invite, pupunta ako"

Dennis Padilla, sakaling ikasal sina Julia at Gerald: "'Di man nila ako in-invite, pupunta ako"

- Nabanggit ni Dennis Padilla na pupunta siya sakaling ikasal ang anak na si Julia Barretto kay Gerald Anderson

- Ayon kay Dennis, imbitahan man siya o hindi pupunta pa rin umano siya para masaksihan ang mahalagang araw ng anak

- Sisiguraduhin din niyang hindi magugulo ang kasal gayung naroon lamang siya para manood

- Matatandaang matagal-tagal nang panahon na binabati ni Dennis ang kanyang mga anak ngunit di raw ito nakatatanggap ng sagot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natanong ni Ogie Diaz si Dennis Padilla tungkol sa anak nitong si Julia Barretto sakaling ikasal umano ito kay Gerald Anderson.

Dennis Padilla, sakaling ikasal sina Julia at Gerald: "'Pag hindi naman nila ako in-invite pupunta ako"
Dennis Padilla (Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Youtube

Ayon kay Dennis, sakaling dumating man ang araw na ito pupunta raw siya inimbitahan man siya o hindi.

"'Pag hindi naman nila ako in-invite pupunta ako. Pero hindi ako pupunta du'n para manggulo. Pupunta ako para mapanood ko ang anak ko," paglilinaw ni Dennis.

Read also

Andrea Brillantes, happy ngayon: 'Wag kayong mag-alala, naka-move on na ako"

Aniya, sisiguraduhin din niyang maayos ang kanyang kasuotan sa araw ng kasal ng anak kahit nasa labas lamang siya ng simbahan o hindi siya papasukin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Gusto ko makita ikasal 'yung anak ko, anak ko 'yun e"

Sa ngayon, hindi pa rin umano nagagawang mag-reply ng magkakapatid na Julia, Claudia at Leon sa mensahe o pagbating ipinadadala sa kanila ng ama. Maliban na lang sa open letter ni Leon, isang taon na ang nakararaan.

Bagama't nagpadala raw ang mga ito ng pagkain noong Father's Day, mas mahalaga parin umano kay Dennis ang mga salitang manggagaling sa kanyang mga anak.

Samantala, narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Read also

Andrea Brillantes tungkol sa 'betrayal': "Hindi totoo 'yang second chances na 'yan"

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Kinalaunan ay sumagot si Leon sa pamamagitan ng isang open letter. Pinaliwanag niya ang kanyang saloobin at dahilan kung bakit hindi niya nagawang batiin ang ama. Naitanong niya rin dito kung bakit kinakailangang pahiyain ni Dennis ang anak sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel