Ellen Adarna, tinawanan si Derek Ramsay na nakikiusap na payagan siyang bumili ng gems sa game na nilalaro

Ellen Adarna, tinawanan si Derek Ramsay na nakikiusap na payagan siyang bumili ng gems sa game na nilalaro

- Binahagi ni Ellen Adarna ang video ng aniya ay iPad chronicles kung saan naibahagi niyang ginagamit ni Derek Ramsay ang kanyang iPad

- Sa kanyang Instagram stories ay pinakita ni Ellen ang video ng pakikiusap ni Derek na payagan siyang bumili ng gems sa nilalaro nito na game

- Hirit pa ni Derek P179 lang naman ang kanyang bibilhin ngunit ani Ellen ay hindi siya pinapagamit ni Derek ng iPad niya

- Matatandaang sa kanyang Instagram stories ay una nang binahagi ni Ellen na si Derek ang gumagamit ng kanyang iPad kaya pabiro siyang naghanap ng 2nd hand na iPad para aniya ay ibibigay niya sa asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay matapos ibahagi ni Ellen ang reaksiyon ni Derek na nakiusap na payagan siyang bumili ng gems sa nilalaro nitong game. Gamit nito ang iPad ni Ellen.

Read also

Gino Roque, hindi pa sinasagot ang pahayag ni Kiara Takahashi

Ellen Adarna, tinawanan si Derek Ramsay na nakikiusap na payagan siyang bumili ng gems sa game na nilalaro
Ellen Adarna, tinawanan si Derek Ramsay na nakikiusap na payagan siyang bumili ng gems sa game na nilalaro (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Ani Ellen, hindi nito pinapahiram ang iPad sa kanya. Ani Derek, sumasagot naman si Ellen sa kanyang Q&A kaya hindi niya ginagamit ang iPad.

Nakiusap ito kay Ellen at aniya ay last na daw pero tinawanan siya ni Ellen habang sinasabihan itong "desperate."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Read also

TikTok video ni Heart Evangelista tungkol sa credit card, viral

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate