Elizabeth Oropesa, sinabing hindi na siya Marcos loyalist
- Inihayag ni Elizabeth Oropesa ang kanyang sama ng loob sa naging reaksiyon ng ilang taga-suporta ni PBBM sa kanyang video
-Aniya, magalang naman ang paraan niya ng pagtawag ng pansin ng pangulo
- Sa kabila nito ay sinabi ni Elizabeth na hindi daw siya takot sa mga ito dahil duwag daw ang mga ito sa personal at walang kwentang tao
- Sa huling bahagi ng kanyang post ay sinabi niyang hindi na siya Marcos loyalist ngunit aniya ay ginagalang pa rin niya ang pangulo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naglabas si Elizabeth Oropesa ng kanyang saloobin matapos siyang ma-bash ng tagasuporta ni Pangulong Bongbong Marcos. Sa huling bahagi ng kanyang post ay sinabi niyang hindi na siya Marcos loyalist ngunit aniya ay ginagalang pa rin niya ang pangulo.
Aniya, magalang naman ang paraan niya ng pagtawag ng pansin ng pangulo.
Kinatay na ang pagkatao ko ng mga kapwa ko Loyalist "kuno" dahil lang sa pag tawag ko ng pansin mo. Magalang po ako.Galing sa puso ang pakiusap at pag tatanong ko. Pero hindi nila nakita yun. Bashing parin ang napala ko.
Sa kabila nito ay sinabi ni Elizabeth na hindi daw siya takot sa mga ito dahil duwag daw ang mga ito sa personal at walang kwentang tao.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Elizabeth Oropesa ay isang aktres at beauty queen sa Pilipinas. Siya ay isang Grand Slam Best Actress winner para sa pelikulang Bulaklak Ng Maynila. Sa ngayon, maraming pinagkakaabalahan si 'La Oropesa' na isa ring doctor. Isa rin umano siyang animal advocate. Katunayan, nasa 17 ang aso na kanyang inaalagaan sa kanyang tahanan at marami rin siyang pinakakaing mga pusa.
Sa kasagsagan ng eleksyon noong 2022, naging kontrobersyal ang kanyang pahayag tungkol sa pagpapaputol umano ng kanyang mga paa kung mapatunayan ng mga nag-aakusa na binabayaran sila umanong mga artista sa pagsuporta nila sa nanalong pangulo na si PBBM.
Naikwento ni Elizabeth na nanalo siya sa Miss Philippines sa edad na 15 anyos. Dahil dito, nabawian siya ng titulo, at isinauli ang lahat ng kanyang naging premyo. Maliban sa korona na hindi na nila ibinalik at hanggang ngayon ay nasa kanila pa rin. Bukod sa pagiging isang aktres, isa ring doktor si La Oropesa at aminado na isang supporter ng mga Marcos sa loob ng nasa 37 na taon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh