Bobby Ray Parks at Zeinab Harake, nagkasundo na dapat laging una ang mga anak ni Zeinab

Bobby Ray Parks at Zeinab Harake, nagkasundo na dapat laging una ang mga anak ni Zeinab

- Diretsahang sinabi ni Zeinab Harake na priority niya ang kanyang mga anak

- Aniya, maging si Bobby Ray Parks ay suportado siya pagdating dito at ito pa raw ang nagbibigay ng oras kung minsan sa mga bata kapag may trabaho si Zeinab

- Sa Instagram live ni Zeinab, nakasama niya si Ray kung saan sinagot nila ang katanungan ng ilang netizens

- Naibahagi din ni Ray na pinagbabantaan siya ng mga tagasuporta ni Zeinab na huwag niya itong sasaktan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Zeinab Harake, priority niya talaga ang kanyang mga anak. Maging si Bobby Ray Parks ay alam umano ito at suportado niya si Zeinab pagdating dito.

Bobby Ray Parks at Zeinab Harake, nagkasundo na dapat laging una ang mga anak ni Zeinab
Bobby Ray Parks at Zeinab Harake, nagkasundo na dapat laging una ang mga anak ni Zeinab (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Sa Instagram live ni Zeinab ay pinapili siya kung sino ang pipiliin niya kina Bia at Ray. Diretsahan niyang sinabi na si Bia dahil ito umano ang lagi niyang uunahin at ganun din ang pananaw ni Ray.

Read also

Zeinab Harake, inaming sa kanya namamalagi si Ray Parks

Daddy daw ang tawag ng mga bata kay Ray. Pumayag daw si Zeinab nang napansin niyang tila gusto ng anak niyang si Lucas na daddy ang itawag kay Ray.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Ibinahagi ni Zeinab Harake sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpunta sa concert kamakailan ni Bruno Mars. Aniya, sobrang iniidolo niya si Bruno kaya masayang-masaya siya na makapunta sa concert at aniya ay ang boyfriend niyang si Bobby Ray Parks ang nagbigay ng ticket niya. Pabiro pang sinabi ni Zeinab na sa wakas ay nakahanap daw siya ng sugar daddy dahil lagi na lang daw siya ang sugar mommy. Marami naman ang bumilib kay Ray dahil sa pagiging supportive nito sa pagiging fan girl ni Zeinab.

Read also

Ara Mina sa kapatid na si Cristine Reyes: "Magpakita ka kasi sa'min"

Hindi napigilang maiyak ni Zeinab Harake habang nakikinig ng awitin ni Bruno Mars sa concert nito. Ito ang awiting 'Talking to the Moon' na aniya ay kanyang pinakinggan noong panahong malungkot siya. Matatandaang naibahagi ni Zeinab ang tungkol sa pagkawala ng anak niya na pinagbubuntis at tinawag niya ang anak niya na si Moon. Habang naiiyak ay naroroon naman ang boyfriend niyang si Bobby Ray Parks na umalalay lang sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate