Ara Mina sa kapatid na si Cristine Reyes: "Magpakita ka kasi sa'min"

Ara Mina sa kapatid na si Cristine Reyes: "Magpakita ka kasi sa'min"

- Masaya daw si Ara Mina para sa kapatid niyang si Cristine Reyes dahil masaya na ito sa kanyang buhay pag-ibig

- Aniya, hindi man sila makitang magkasama ng kapatid ay nagkakausap naman sila

- Gayunpaman, binuking niyang matagal daw sumagot si Cristine sa kanilang messages kapag in-love

- Sinabihan pa niya si Marco Gumabao na alagaan nito ang kanyang nakababatang kapatid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Ara Mina, masaya siya sa pagkakaroon ng love life ng kanyang kapatid na si Cristine Reyes. Sa vlog ni Snooky Serna ay binuking niyang matagal daw sumagot si Cristine sa kanilang messages kapag in-love.

Ara Mina sa kapatid na si Cristine Reyes: "Magpakita ka kasi sa'min"
Ara Mina sa kapatid na si Cristine Reyes: "Magpakita ka kasi sa'min" (@therealaramina)
Source: Instagram

Pabiro pa niyang sinabi na mga isang buwan bago ito sumagot. Hirit pa niya kay Cristine, magpakita daw ito sa kanila.

Sinabihan pa niya si Marco Gumabao na alagaan nito ang kanyang nakababatang kapatid.

Read also

Zeinab Harake, inaming sa kanya namamalagi si Ray Parks

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Siniguro din ni Ara na kahit hindi sila nakikitang magkasama ni Cristine ay okay silang magkapatid at nakakapag-usap.

Ara Mina sa kapatid na si Cristine Reyes: "Magpakita ka kasi sa'min"
Ara Mina sa kapatid na si Cristine Reyes: "Magpakita ka kasi sa'min" (Snooky Serna/YouTube)
Source: Youtube

Si Ara Mina o Hazel Pascual Reyes-Almarinez sa totoong buhay ay isang aktres at kilalang negosyante sa bansa. Nabiyayaan siya ng anak at noong 2021, ikinasal siya sa businessman na si Dave Almarinez. Binansagan siya bilang "Millennium Goddess" at ginawaran ng FAMAS Award for Best Actress.

Naibahagi ni Ara Mina na ayaw sana niyang pag-usapan ang pagtulong na ginagawa niya kay Deborah Sun na pitong taon nang naninirahan sa kanyang condo. Aniya, nabili niya ang naturang condo noong nasa That's Entertainment pa lang siya at una daw niyang investment iyon. Maliit lang daw ang condo at good for one person lang daw ang studio unit na iyon. Dagdag pa ni Ara, okay lang na doon si Deborah kahit habangbuhay pa raw siya doon tumira.

Read also

Wilbert Tolentino, magbibitiw na bilang manager ni Herlene Budol: "Effective July 31, 2023"

Muling nagkita sina Ara at Deborah matapos ang ilang taon na hindi sila nagkikita nang personal. Kahit hindi sila nagkikita ay sinabi ni Deborah na tuloy-tuloy ang pagtulong nito bukod pa sa pagpapatira ni Ara sa kanila sa condo niya. Abot-abot ang pasasalamat ni Deborah at naiyak pa ito habang binabanggit ang kanyang mensahe. Ayon kay Ara, hindi niya pa ito nabibisita sa condo nito simula nang pinatira niya ang mga ito sa kanilang bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel