Cristy sa mga detalye ng kasalan nina Maine at Arjo: "Napakabongga po ng kasalang ito"

Cristy sa mga detalye ng kasalan nina Maine at Arjo: "Napakabongga po ng kasalang ito"

- Nagbigay ng detalye si Cristy Fermin tungkol sa kasalang Maine Mendoza at Arjo Atayde

- Nilarawan nila itong "napakabongga" at tila magiging pressure sa susunod na ikakasal

- Bagama't alam na nina Cristy sa SNN kung saan mismo ang sinasabing garden wedding, hindi nito binigay ang pangalan ng mismong lugar

- Matatandaang mag-iisang taon na nang mag-propose si Arjo sa ngayong soon to be bride niyang si Maine

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mas lalong nagpa-excite sa publiko si Cristy Fermin patungkol sa kasalang Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Cristy sa ilang detalye ng kasalan nina Maine at Arjo: "Napakabongga po ng kasalang ito"
Maine Mendoza and Arjo Atayde (@mainedcm)
Source: Instagram

Sa pinakabagong episode kasi ng Showbiz Now Na, nagbigay detalye ito ng tungkol sa kasal na umano'y gaganapin sa Biyernes, July 28.

At bagama't sa Baguio City ito gaganapin, hindi na binanggit pa ni Cristy kung saan mismong lugar.

Read also

Wilbert Tolentino, magbibitiw na bilang manager ni Herlene Budol: "Effective July 31, 2023"

"July 28 ito. Ang kasal nina Congressman Arjo Atayde at Maine Mendoza. 'Yung pinakang lugar hindi ko magagawang sabihin magkaroon ng, alam mo na baka magkagulo," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, nabanggit pa rin nito ang lugar kung saan gaganapin umano ang reception.

"Baguio Country club. Sosyal 'di ba, at eto po ang sabi ng aking source, napakabongga po ng kasalang ito."

At dahil nilarawan nila itong napakabongga, tila maging hamon ito sa susunod na ikakasal sa showbiz.

"Pressure ang susunod na ikakasal pag nakita nila ang kasalang Arjo at Maine," ang nasabi ni Romel Chika ng SNN.

Isang sikat na chef ang maghahanda ng pagkain sa reception at lahat ng mga kagamitan ay manggagaling pa sa Manila.

Dahil dito, masasabing tunay na kaabang-abang ang kasalang ito na maituturing umano na isa sa mga wedding of the year ngayon.

Read also

Beverly Salviejo kay PBBM: "Sana mabigyan niyo din kami ng pansin"

Si Maine Mendoza ay isa sa mga host ng Eat Bulaga, ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.

Matatandaang sa isa sa mga naging panayam sa isa rin sa mga host na ngayon ng E.A.T na si Allan K, sinabi nitong isa si Maine sa mga inalok ng TAPE ng dobleng talent fee para lang sana manatili sa Eat Bulaga.

Sa kabila ng pamamaalam ng mga orihinal na host ng programa sa kanilang producer, patuloy na napapanood ang Eat Bulaga sa GMA 7 kasama ang mga bagong host na kinabibilangan nina Paolo Contis, Buboy Villar at maging si dating manila City Mayor Isko Moreno gayundin ilan pang mga GMA Sparkle talents.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica