Wilbert Tolentino, magbibitiw na bilang manager ni Herlene Budol: "Effective July 31, 2023"

Wilbert Tolentino, magbibitiw na bilang manager ni Herlene Budol: "Effective July 31, 2023"

- Magbibitiw na bilang manager ni Herlene Budol si 'Kafreshness' Wilbert Tolentino

- Effective July 31, hindi na siya ang manager ni Hipon Girl base sa inilabas niyang opisyal na pahayag

- Isa sa dahilang ibinigay niya ay ang kanyang kalusugan at oras para sa iba pang pinagkaabalahan niya sa buhay

- Gayunpaman, masaya umano siya na maging bahagi ng pagtupad sa ilang mga pinangarap lang noon ni Herlene

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inihayag ni Wilbert Tolentino ang kanya umanong pagbibitiw bilang manager ni Herlene Budol.

Wilbert Tolentino, magbibitiw na bilang manager ni Herlene Budol: "Effective July 31, 2023"
Wilbert Tolentino and Herlene Budol (Wilbert Tolentino FB)
Source: Facebook

Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi nitong effective July 31, 2023 bibitawan na niya si Herlene na naging alaga niya sa loob ng isa't kaahating taon.

"Ako po ay opisyal ng magbibitiw bilang Talent Manager ni Herlene Hipon Budol effective July 31, 2023. Sa loob ng isa’t kalahating taon, tumayo akong pangalawang magulang niya, sa kanyang karera at tinuring ko siyang para ko na rin anak."

Read also

Andrea Brillantes, iniyakan pagkakaroon ng congenital anosmia dahil wala raw itong lunas

Isa sa naibigay na dahilan ni Wilbert ay ang kanyang kalusugan gayundin ang oras na nais naman niyang ilaan sa personal na bagay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Mahirap man gawin, halos matagal ko din pinagisipan. Subalit kailangan ko ng pagtuunan ng pansin ang aking kalusugan, at bigyan oras ang aking anak dahil una sa lahat tumatanda na si KaFreshness, at higit akong kailangan nya lalo't lumalaki na siya. Di lingid sa lahat, na bilang Talent Manager, ito ay ubos-oras na tungkulin. Kulang ang bente kwatrong oras sa isang araw para sa sarili kong buhay. Walang kapantay ang bawat hamon na aking naranasan, matupad lamang ang aking mga sinumpaang tungkulin para kay Herlene," ani Wilbert.

Gayunpaman, masaya umano si Wilbert na maging bahagi ng pagtupad ng mga bagay na pinangarap lang noon ni "Hipon Girl."

Read also

Grade 10 student, niregaluhan ng Php1 milyon ng kanyang kuya

Pinasalamatan din niya ang lahat ng mga naging bahagi ng tagumpay ng kanyang naging alaga at alam niya umanong lalago pa ang career nito. Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang Chinese-Filipino entrepreneur na nakilala nang tanghalin siyang Mr. Gay World Philippines in 2009. Naging manager din siya ng ilang sikat na social media personalities kagaya nina Madam Inutz at Herlene Budol.

Matatandaang diretsahang sinagot ni Wilbert ang isang blind item tungkol sa umano'y comedienne na nagbago ng image. Sa caption ng naturang blind item ay may tanong kung totoo bang uma-attitude na umano ang naturang comedienne na bibidahin.

Kinalaunan ay nagsalita na rin si Herlene Budol kaugnay sa isyung lumaki na umano ang ulo niya at nagbago na ang ugali niya. Ito ay matapos umano ang tinatamo niyang kasikatan matapos niyang sumalang sa Binibining Pilipinas kung saan tinanghal siyang first runner up.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica