Bea Alonzo at Dominic Roque, nakalagay sa love lock ang wedding date

Bea Alonzo at Dominic Roque, nakalagay sa love lock ang wedding date

- Naibahagi ni Bea Alonzo sa kanyang vlog ang bakasyon nila ni Dominic Roque sa Sapporo sa Japan

- Naisulat nila ang wedding date nila sa likod ng isang love lock at hindi pa ito pinakita ni Bea sa kanyang vlog

- Naibahagi ang naturang vlog bago pa man kumalat ang haka-hakang hiwalay na silang dalawa

- Para naan kay Cristy Fermin, tila hindi na daw gaanong sweet ang pictures na binahagi ni Bea noong nag-Sapporo sila

Naibahagi ni Bea Alonzo sa kanyang vlog ang kanilang bakasyon sa ibang bansa kamakailan. Naibahagi ang naturang vlog bago pa man kumalat ang haka-hakang hiwalay na silang dalawa.

Bea Alonzo at Dominic Roque, nakalagay sa love lock ang wedding date
Bea Alonzo at Dominic Roque, nakalagay sa love lock ang wedding date (@beaalonzo)
Source: Instagram

Nitong mga nakaraang araw nga ay lumabas ang balitang tila hindi na matutuloy ang kanilang kasal. Bukod kasi sa mga madalang na pictures nila, tila nalagyan ng ibang kahulugan ang naging pahayag ni Bea tungkol sa kasal nila. Sinabinito na wala pa daw silang preparasyon para sa kasal nila.

Read also

Trina Candaza, ipinasilip ang kanilang bagong tirahan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel