Mona Alawi, sa naging kondisyon: "Pwedeng magkaroon ng complications sa brain"

Mona Alawi, sa naging kondisyon: "Pwedeng magkaroon ng complications sa brain"

- Naikwento ng pamilya Alawi ang nangyari kamakailan kay Mona

- Ani Hash, naabutan na lamang niya ang bunsong kapatid na nasa sahig at hindi na makabangon

- Pagdating pa umano nila sa ospital sinabing kinailangan itong i-ICU na nangangahulugang malala ang kanyang lagay

- Doon nila napag-alaman kung ano ang kalagayan ni Mona na kung magkaroon ng komplikasyon, maaring makaapekto sa kanyang utak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong vlog ni Ivana Alawi ngayong Hulyo 18, naikwento nila ang nangyari kamakailan sa kapatid na si Mona.

Mona Alawi, sa naging kondisyon: "Pwedeng magkaroon ng complications sa brain"
Mona Alawi (@_monaalawi)
Source: Instagram

Ayon kina Ivana, ayaw pa umanong magpadala ni Mona sa ospital na tila kinakaya pa ang kanyang kalagayan.

Subalit nang hindi na ito makahinga, agad naman niyang tinawagan ang kanyang kuya Hash.

"Pagpasok ko, asa floor lang siya hindi na siya makatayo," kwento ni Hash na sinabihan na noon pa ang kapatid na kung ano man ang kailangan nito, tawagan lamang siya anumang oras.

Read also

Pambansang Kolokoy, inalala ang pagpapabalik ng present partner niya kay Miss Grace noon

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi kasi ako makahinga. Actually until now mabilis akong ma-out of breath and something happened sa breathing ko. 'Yun yung hindi ko na kinaya. twice ako hinimatay. From there I was thinking na I was going to the hospital. Nung nag-collapse ako and hindi ko na kaya, I called kuya," ayon mismo kay Mona.

Sa pagamutan, doon nila nalaman ang kondisyon ni Mona na kung tawagin ay DKA o Diabetic ketoacidosis.

Sinabi ng doktor, na sakaling magkaroon umano ng komplikasyon ang kalagayan na ito ni Mona, maaring maapektuhan ang kanyang utak.

Narito ang kabuuan ng pagtalakay ng pamilya Alawi sa naging lagay ni Mona mula sa YouTube channel ni Ivana.

Si Mona Alawi ang bunsong kapatid ng actress at YouTuber na si Ivana Alawi. Isa rin siya noong child star na nagkaroon ng screen name na Mona Louise Rey. Nakilala siya sa mga TV shows na Munting Heredera, Aso ni San Roque, at Luna Blanca.

Read also

Ivana, naikwentong may umaway umano sa kanya sa isang recent show

Isa sa mga hindi malilimutang kwento ng publiko ay nang ibahagi ni Mona ang kanyang 'near-death experience' kung saan matapos na mawalan ng malay, 'pinapanood' na niya umano ang sarili habang pilit siyang ginigising at inaasikaso ng kanyang ina.

Matatandaang minsan nang naikwento ni Ivana kung bakit madalas na wala ang kanyang bunsong kapatid na si Mona sa kanyang mga vlog noong nakaraang taon. Sinabi niyang makailang beses nila itong nadala sa ospital dahil sa kanyang karamdaman.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica