KC Concepcion, ibinida ang picture nila ng kapatid sa ama

KC Concepcion, ibinida ang picture nila ng kapatid sa ama

- Ibinahagi ni KC Concepcion ang mga pictures nila kasama ang kanyang amang si Gabby Concepcion

- Kasama din nila ang dalawang mga kapatid niya sa ama na sina Samantha at Savannah

- Inihayag ni KC ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga kapatid na anak ni Gabby sa partner niyang si Genevieve Yatco Gonzales

- Marami naman ang natuwa na makitang malapit si KC sa lahat ng kanyang mga kapatid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni KC Concepcion ang pictures nila kasama ang amang si Gabby Concepcion at mga kapatid na sina Samantha at Savannah. Inihayag ni KC ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga kapatid.

KC Concepcion, ibinida ang picture nila ng kapatid sa ama
KC Concepcion, ibinida ang picture nila ng kapatid sa ama (@kristinaconcepcion)
Source: Instagram
Saturday with my sisters! ILYSM @thesamanthaconcepcion & Ava!

Marami naman ang natuwa na makitang malapit si KC sa lahat ng kanyang mga kapatid. Narito ang ilan sa mga komento:

Read also

Billy Crawford, nagpasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya sa France

The right thing to do for a blended family. Good job KC

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tama yan,love love love so the next generation will do the same.
Adorable! I see how connected you and your dad are. Your dad is so chill and happy go lucky just like you.

Sa mga vlogs niya ay naipakita niya rin na malapit siya maging sa mga kapatid sa kanyang ina na si Sharon Cuneta. Kaya naman, marami ang humahanga kay KC sa pagiging mabuti niyang ate.

Si KC ang panganay na anak ni Sharon Cuneta sa dating asawang si Gabby Concepcion. Matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang, kinilala niya ring ama si Senator Francis Pangilinan. Nagtapos siya ng bachelor's degree in International Corporate Communications with a minor in Theatre Arts sa American University of Paris.

Ibinahagi kamakailan ni KC sa kanyang vlog ang kwento kung paano sila muling nagkita at nagkausap ng ama niyang si Gabby Concepcion. Noong siyam na taong gulang siya, pumunta ng Amerika si Gabby at doon nagtrabaho. Naibahagi ni KC kung paano sila nagkausap noong siya 18th birthday niya. Marami ang naantig sa video na ito ni KC dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang ama.

Read also

Andrea Brillantes, umalma sa mga komento sa kanyang date or pass vlog

Matapos nga niya ilabas ang video ng kwento tungkol sa muling pakikipag-ugnayan nila ng amang si Gabby, naibahagi ni KC ang kanyang pagmamahal at pasasalamat para naman sa kanyang stepfather na si Kiko Pangilinan na siyang tumayong pangalawang ama niya. Aniya ay sobra niyang naapreciate ang kanyang stepfather at pinakita pa nito ang pearl necklace na natanggap niya mula dito nang magpakasal sila ni Sharon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel