Tip ni Andrea Brillantes sa pagmove on: Isipin ang mga bagay na nakaka-turn off sa ex
- Naibahagi ni Andrea Brillantes ang ilan sa kanyang mga natutunan sa kanyang karanasan sa buhay pag-ibig
- Sa vlog ni Vice Ganda ay hindi nagpatumpik-tumpik si Andrea na ibahagi ang kanyang saloobin sa mga bagay-bagay na napag-uusapan nila
- Isa sa kanyang binigay na payo para mas mabilis na maka-move on ay dapat daw isipin ang mga bagay na nakaka-turn off sa ex
- Sumang-ayon naman si Vice Ganda sa payo niyang ito dahil aniya maiisip nila kinalaunan na kaya lang naging espesyal ang pagtingin sa karelasyon ay dahil sa pagmamahal
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hindi nagpatumpik-tumpik si Andrea Brillantes na ibahagi ang mga bagay na kanyang natutunan sa lahat ng kanyang naging karanasan. Sa vlog ni Vice Ganda ay nagbahagi ng payo si Andrea kabilang na sa pagmo-move on.
Binigay niyang halimbawa ay ang aniya'y lalaking hindi nagpapa-laundry nang isang taon.
Talaga ba iiyakan ko yung lalaki na hindi nagpapa-laundry nang isang taon?
Inamin niyang mahal pa niya ang ex nang maghiwalay sila pero kinailangan niyang tanggapin na dapat na sila maghiwalay.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
There's so much to this life than just one boy.
Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.
Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.
Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh