Maggie Wilson, nakatanggap daw ng DM na nagsasabing nakitang may kasamang iba ang ex niya

Maggie Wilson, nakatanggap daw ng DM na nagsasabing nakitang may kasamang iba ang ex niya

- Ibinahagi ni Maggie Wilson ang screenshot ng mensaheng kanyang natanggap mula sa isang netizen

- Nakita daw niyang may kasamang iba ang ex ni Maggie at sa tingin daw ng naturang netizen ay tama lang na malaman iyon ni Maggie

- Naitanong pa ni Maggie kung kailan niya nakita ang ex niya na diumano ay kasama babaeng ang pangalan ay Sam

- Mensahe naman niya sa isang taong hindi niya pinangalanan, "He's your problem now"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakatanggap daw ng message si Maggie Wilson mula sa isang netizen kung saan sinabi nito na nakita daw niya ang ex ni Maggie na may kasamang iba. Naitanong pa ni Maggie kung kailan niya nakita ang ex niya na diumano ay kasama babaeng ang pangalan ay Sam.

Maggie Wilson, nakatanggap daw ng DM na nagsasabing nakitang may kasamang iba ang ex niya
Maggie Wilson, nakatanggap daw ng DM na nagsasabing nakitang may kasamang iba ang ex niya (@wilsonmaggie)
Source: Instagram

Netong nakaraang buwan lang daw nakita ng naturang netizen ang ex ni Maggie na may kasamang iba.

Read also

Luis Manzano, sa manliligaw sa anak: "Kilalanin niyo ang kamao ng mga Manzano"

Sa kanyang binahaging IG story, naghayag siya ng mensahe sa isang taong hindi niya pinangalanan, "He's your problem now."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maggie Wilson, nakatanggap daw ng DM na nagsasabing nakitang may kasamang iba ang ex niya
Maggie Wilson, nakatanggap daw ng DM na nagsasabing nakitang may kasamang iba ang ex niya (@wilsonmaggie)
Source: Instagram

Si Maggie Wilson ay nakilala bilang isang TV Actress at beauty queen, model at entrepreneur. Hinirang siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Gumanap din siya bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.

Kamakailan ay ni-repost ni Maggie ang naging reaksiyon ni Tim Connor matapos mag-post ni Rachel Carrasco ng picture nila ni Victor Consunji. Binahagi din ni Maggie ang public document ng kaso na isinampa laban sa kanya. Sa IG story ni Tim ay ibinahagi niya ang saloobin kaugnay sa pagsampa sa kanila ng kaso ni Victor ng adultery. Matatandaang si Tim ang naiuugnay sa kasalukuyan kay Maggie sa gitna ng isyu na kinakaharap nito.

Read also

Gerald Anderson, nag-post ng kanyang pagbati sa birthday ni Julia Barretto

Minabuti ni Maggie na linawin na walang nagbago sa kanyang kalagayan sa kabila ng mga post ng kanyang dating asawa. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Maggie ang screenshot ng isang news article na nagsasabing umaasa ang ilang netizens na ang pag-post ng dating asawa niya ay maging simula ng pagtatapos ng kanilang hidwaan. Ani Maggie, hindi pa rin annulled ang kanilang kasal, hindi pa rin sila nag-uusap, may kaso pa rin siya at nakakatanggap ng mga demand letters araw-araw. Nabanggit niya rin na pinagkakait pa rin sa kanya na makita niya ang kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel