Ricci Rivero, binigay ang mga katangiang hanap niya sa isang babae: "Matured"

Ricci Rivero, binigay ang mga katangiang hanap niya sa isang babae: "Matured"

- Ibinahagi ni Ricci Rivero ang mga katangiang hanap niya sa isang babae

- Isa ito sa mga natanong sa kanya ni dating Manila City Mayor Isko Moreno sa kanyang YouTube channel

- Sa ilang mga katangiang binigay ni Ricci, matured ang kanyang agad na naisagot

- Matatandaaang kamakailan lamang ay kinumpirma ni Ricci ang paghihiwalay nila ng aktres na si Andrea Brillantes

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ngayong 'single' na muli si Ricci Rivero, natanong siya ni dating Manila City Mayor Isko Moreno kung ano nga ba ang mga katangiang hanap nito sa isang babae.

Ricci Rivero, binigay ang mga katangiang hanap niya sa isang babae: "Matured"
Photo: Ricci Rivero
Source: Facebook

Sa kanyang programang 'Iskovery night', naibahagi ni Ricci ang para sa kanya'y magagandang katangian ng babaeng makapagpapatibok muli ng kanyang puso.

"Matured" ang unang naisagot ni Ricci. Ngunit muli pa siyang tinanong ni 'Yorme Isko.

Read also

Ivana, naikwentong may umaway umano sa kanya sa isang recent show

"Simple... family-oriented at may takot sa Diyos," ang naidagdag na sagot ni Ricci na sinang-ayunan naman ni Yorme Isko.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang naturang interview ay isa lamang sa mga napanunalakan ni Ricci matapos ang kontrobersyal nilang hiwalayan ng dating kasintahang si Andrea Brillantes.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Ricci mula sa Isko Moreno Domagoso YouTube channel:

Si Ricci Paolo Uy Rivero o mas kilala bilang si bilang si Ricci Rivero ay isang Filipino basketball player. Nakilala siya sa kanyang performance sa UAAP Season 80 men's basketball tournament dahilan para siya'y mapabilang sa Mythical Five at makuha ang Most Improved Player award. Bukod sa basketball, isa rin siyang modelo at pinasok na rin niya ang mundo ng Showbiz.

Subalit mas gumawa ng ingay ang kanyang pangalan nang maging karelasyon niya ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes. Matatandaang agaw-eksena ang naging proposal nito sa kanya matapos ang isang basketball game kung saan nanood si Andrea.

Read also

Rendon Labador kay Ricci Rivero: "Puro ka porma, dugyot ka na, palamunin ka pa"

Gayunpaman, gumulantang din sa publiko ang hiwalayan nila ng aktres na mismong si Ricci ang nagkumpirma habang nanatili pang tahimik noon si Andrea. Kabi-kabilang mga espekulasyon ang lumabas tungkol sa posibleng dahilan ng kanilang hiwalayan hanggang sa lumabas ang balitang naabutan umano ni Andrea na may ibang babae sa condo nito. Ayon pa umano sa source ni Ogie Diaz, sinasabing hindi lamang ito isang beses na nahuli ni Andrea bagay na wala pa rin 'di umanong kumpiramsyon sa aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica