Rendon Labador kay Joey de Leon: "Matanda ka na Joey, mag bago ka na"

Rendon Labador kay Joey de Leon: "Matanda ka na Joey, mag bago ka na"

- Nag-komento si Rendon Labador sa isang article kaugnay sa umano'y pasaring ni Joey de Leon sa aniya'y peke

- Inihayag ni Rendon, dahil sa TAPE kaya sumikat ang tatlo ngunit hindi daw nila nakita ang ilang taon na lugi ang TAPE sa kanila

- Dagdag pa niya, hindi na raw siya natutuwa sa kakaparinig ni Joey at dapat daw ay mag-move on na lang ito at magtrabaho

- Sinabihan pa nito si Joey na matanda na at dapat na daw itong magbago

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Rendon Labador, hindi na nakakatuwa ang ginagawang pagpaparinig ni Joey de Leon. Aniya, dapat daw ay mag-move on na lang ito at magtrabaho.

Rendon Labador kay Joey de Leon: "Matanda ka na Joey, mag bago ka na"
Rendon Labador kay Joey de Leon: "Matanda ka na Joey, mag bago ka na" (Rendon Labador)
Source: Facebook

Sa isang article tungkol sa tila pasaring ni Joey sa mga aniya'y peke, inihayag ni Rendon, dahil sa TAPE kaya sumikat ang tatlo ngunit hindi daw nila nakita ang ilang taon na lugi ang TAPE sa kanila.

Read also

Pokwang, sumalang sa fast talk; ayaw na magka-boyfriend ng afam

Sa totoo lang T.A.E. kayong tatlo kung hindi nag invest sa inyo ang TAPE. Hindi ninyo nakita ang ilang taong lugi nila sa inyo, Nag invest sila sa inyo nung nag sisimula palang kayo at hindi ninyo nakita yun kasi nabulag kayo sa kasikatan.

Dagdag pa ni Rendon, ang kanyang paninidigan ay para sa mga negosyanteng tumutulong lang naman pero sa huli ay parang sila pa yung napasama.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi na ako natutuwa sayo Joey sa kakaparinig mo. Move on ka nalang at gawin ang trabaho mo! Sumusobra ka na! I stand sa mga negosyante na tumutulong lang naman pero sa huli ay parang sila pa yung napasama.
Matanda ka na Joey, mag bago ka na. #stayMotivated
Rendon Labador kay Joey de Leon: "Matanda ka na Joey, mag bago ka na"
Rendon Labador kay Joey de Leon: "Matanda ka na Joey, mag bago ka na"
Source: Facebook

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Read also

AJ Raval, ibinida ang kanyang husay sa paglaro ng lato-lato

Matatandaang nagbahagi ng mensahe si Giselle Sanchez para sa social media influencer na si Rendon. Inudyukan niya ito na umamin na lamang sa pagkakamaling nagawa kaugnay sa kanyang nasabi laban kina Coco Martin at Michael V. Dagdag pa ni Giselle, kaya siya pina-follow ng kanyang followers dahil namo-motivate niya ang mga ito kaya sana ipakita daw nito sa kanila na meron siyang busilak na puso.

Ayon kay Ben Tulfo, silang magkakapatid ay likas na mapagpatawad lalo na kung nararamdaman nila ang sinseredad ng tao sa paghingi ng dispensa. Ani Ben, maayos na pumunta si Rendon sa kanilang tanggapan at nagpakumbaba. Dagdag pa niya, kaya niyang makipagsabayan sa bardagulan at panduduro ngunit marapat lang daw na patawarin ang humingi ng paumanhin. Nilinaw din nila sa Bitag live na hindi nila estilo ang makipag-collab kagaya sa mga espikulasyon matapos i-post ni Rendon ang kanilang picture.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate