Giselle Sanchez, inudyukan si Rendon Labador na aminin na nagkamali siya

Giselle Sanchez, inudyukan si Rendon Labador na aminin na nagkamali siya

- Nagbahagi ng mensahe si Giselle Sanchez para sa social media influencer na si Rendon Labador

- Inudyukan niya ito na umamin na lamang sa pagkakamaling nagawa kaugnay sa kanyang nasabi laban kina Coco Martin at Michael V

- Dagdag pa ni Giselle, kaya siya pina-follow ng kanyang followers dahil namo-motivate niya ang mga ito kaya sana ipakita daw nito sa kanila na meron siyang busilak na puso

- Nagkomento naman dito si Rendon at nagsabing makipag-usap sa kanya si Giselle para maintindihan daw kung paano siya mag-isip

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Giselle Sanchez ay nagbahagi ng kanyang saloobin kaugnay sa mga pahayag ni Rendon laban kina Coco Martin at Michael V kamakailan. Inudyukan ni Giselle si Rendon na aminin na lang na nagkamali siya.

Giselle Sanchez, inudyukan si Rendon Labador na umamin sa pagkakamali
Giselle Sanchez, inudyukan si Rendon Labador na umamin sa pagkakamali (Rendon Labador)
Source: Facebook

Ani Giselle sana ay patunayan ni Rendon na busilak ang kanyang puso lalo at maraming followers niya ang namo-motivate kay Rendon.

Read also

Anne Curtis, sumailalim sa acting refresher courses bilang paghahanda sa bagong project

It takes a real man to own up to his mistakes. I know you can do it Rendon Labador , people follow you because you motivate them, show them that you also have a humble and genuine heart. Nobody’s perfect. #motivate not destroy. Promote positivity and not strife. Michael V. Will appreciate your apology, so will Mr. Coco Martin Read my column in MANILA BULLETIN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagkomento naman dito si Rendon at nagsabing makipag-usap sa kanya si Giselle para maintindihan daw kung paano siya mag-isip.

Gusto mong maintindihan kung paano mag isip si Rendon Labador? MANILA BULLETIN & Ms Giselle Sanchez usap tayo!

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Read also

Cristy, 'di raw umano si Sarah G ang dahilan bakit wala ang G-Force sa concert nito

Sinagot ni Ben Tulfo ang mga patutsada ni Rendon kaugnay sa mga patutsada nito. Sa isang TikTok video ay hindi nagtimpi ang batikang journalist patungkol sa mga patutsada ni Labador. Ani Ben, siya ay si Bitag at kaya niyang makipagbardagulan kahit kanino pa man yan. Kamakailan ay may lumabas na balitang may patutsada umano si Ben Tulfo laban sa kanya.

Sinagot ni Rendon ang naging pahayag ni Ben Tulfo patungkol sa kanya. Aniya, namuti lang ang mata niya sa kakaahintay sa gate nila ngunit walang dumating. Dagdag pa niya, siya na mismo ang pupunta sa Bitag kung ibibigay nila ang address nito. Matatandaang nag-ugat ang lahat ng umalma si Rendon sa post ni Michael V na nagsasabing dapat malaman ng mga content creator.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel