Anne Curtis, sumailalim sa acting refresher courses bilang paghahanda sa bagong project

Anne Curtis, sumailalim sa acting refresher courses bilang paghahanda sa bagong project

- Sumailalim si Anne Curtis sa acting refresher courses para sa bagong pelikula niya kay Erik Matti

- Ibinahagi niya sa Instagram ang ilang script na may pamagat na "Buy Bust: The Undesirables"

- Kamakailan ay sumalang siya sa training sa sayoc, isang Filipino martial arts

- Matatandaang isa sa pinakasumikat na pelikulang pinagbidahan ng aktres ay ang Buy Bust

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Anne Curtis na sumailalim siya sa acting refresher courses. Ito ay bilang paghahanda sa bagong project na pinamagatang "Buy Bust: The Undesirables" ni Erik Matti.

Anne Curtis, sumailalim sa acting refresher courses bilang paghahanda sa bagong movie
Anne Curtis, sumailalim sa acting refresher courses bilang paghahanda sa bagong movie (@annecurtissmith)
Source: Instagram

Ibinahagi niya ang picture ng kanyang script sa naturang pelikula. Hindi maitago ni Anne ang kanyang excitement para sa bagong project.

Acting refresher Day 1. It’s been 4 years ‍Training blades came out while I was finishing these scripts @erikmatti I am extremely excited for this!

Read also

Heart Evangelista sa hindi pagdalo sa kasal ni Lovi Poe: "My dad is in the hospital"

Marami sa kanyang fans ang na-excite na muli siyang mapanuod sa isang pelikula:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Can't wait to see you on television again lods
So it's a series??! Sana maging available on Netflix
Excited to see where Nina’s character will go? congrats Anne! looking forward to this for sure!

Si Anne Curtis Smith-Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Read also

Mariel Rodriguez: "I think magiging madam na talaga ako"

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel