Mariel Rodriguez- Padilla: "I think magiging madam na talaga ako"

Mariel Rodriguez- Padilla: "I think magiging madam na talaga ako"

- Naikwento ni Mariel Rodriguez- Padilla ang matagal na niyang gusto na maging isang 'madam'

- Naibahagi niya ito sa panayam sa kanya ni Bea Alonzo kung saan nakasalang pa siya sa lie detector test

- Aniya, siya lamang ang makagagawa nito sa kanyang sarili kaya naman tingin niya'y hindi ito malayong mangyari

- Bukod sa pagiging isang kahanga-hangang ina, isa rin sa kinikilalang mahusay na host si Mariel Rodriguez

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Makulit na naikwento ni Mariel Rodriguez Padilla ang tungkol sa pangarap niyang maging isang madam.

Mariel Rodriguez: "I think magiging madam na talaga ako"
Mariel Rodriguez (Bea Alonzo YouTube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na naibahagi niya ito sa vlog ni Bea Alonzo kung saan nakasalang pa siya sa lie detector test.

Una muna nilang napag-usapan ang pagiging matipid ni Robin at talagang hindi umano maluho.

Subalit si Mariel, aminadong nais niya umanong maging isang madam.

Read also

Maricel Soriano, napuri at nais ma-interview sina Enchong Dee at Joshua Garcia

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kasi ako, gusto kong maging madam. Gusto kong maging madam and I feel that I have to make a madam out of myself. Walang magpapa-madam sa'kin but myself. Sa sobrang daming beses ko ngang sinasabi na magiging madam ako, I think magiging madam na talaga ako," ayon kay Mariel.

Matatandaang minsang gumawa ng ingay si Mariel dahil sa makulit niyang mga live videos lalo na tuwing siya ay magla-live selling noon.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at actress. Siya ay isang American Citizen na ikinasal sa aktor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal, India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Ngayon, masaya silang namumuhay kasama ang kanilang dalawang anak na babaeng sina Isabella at Gabriela.

Read also

Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, umamin na dumating din sa puntong muntik nang maghiwalay

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Kamakailan, nag-viral din ang live-selling video ni Mariel na kinaaliwan ng marami. Lalo na nang malaman ng mga netizens na ito ay bilang pagsuporta ng aktres sa kandidatura ng kanyang mister na si Robin sa pagka-senador. Hindi naman siya nabigo gayung naging number one senator pa ang kanyang mister noong eleksyon 2022.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel