Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, umamin na dumating din sa puntong muntik nang maghiwalay

Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, umamin na dumating din sa puntong muntik nang maghiwalay

- Ibinahagi nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado ang kanilang naging sekreto sa matatag na samahan nilang mag-asawa

- Ayon kay Dingdong sa tagal nilang nagkasama ay natutunan niya kung paano i-handle ang mood swings ng kanyang asawa

- Ibanahagi pa ni Dingdong ang kwento kung paano sila unang nagkakilala

- Ayon pa kay Dingdong, isa sa ugali ni Jessa na parehas sa kanya ay yung hindi masyadong gumagala at masaya na sa bahay lang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ng mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado ang kwento ng kanilang pag-iibigan at ang kanilang naging sekreto sa matatag na samahan nilang mag-asawa. Sa panayam sa kanila ni Aster Amoyo, binalikan nila ang kanilang kwento.

Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, umamin na dumating din sa puntong muntik nang maghiwalay
Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, umamin na dumating din sa puntong muntik nang maghiwalay (@jessazaragoza)
Source: Instagram

Bukod sa parehas silang masaya na kahit nasa bahay lang, isa sa nakatulong sa kanila na malaking bahagi ng buhay nila sa tahanan nila ay ang hilig nila sa musika.

Read also

Sachzna Laparan, binura na ang kanyang 'patol moments': "Rektang kaso na lang daw."

Inamin din nila na dumating din sila sa puntong muntik nang maghiwalay. Mabuti na lang daw at mayroon silang support system na tumulong sa pagpapanatiling matatag ang kanilang pagsasama. Anila, walang marriage na perpekto.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Richelle Ann Mallari Loyola-Avanzado o mas kilala sa kanyang screen name na Jessa Zaragoza ay isang commercial model, singer at actress. Nakilala din siya sa bansag na "Phenomenal Diva." Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Sa Aking Puso, Di Ba'T Ikaw, Bakit Pa? at marami pang iba. Ikinasal siya sa kapwa mang-aawit na si Dingdong Avanzado noong March 18, 2001.

Sa unang ulat ng KAMI, maituturing ng pamilya ni Jessa na isa sa pinaka-shocking na karanasan ang nangyari kay Dingdong Avanzado. Umuwi umano ito mula sa kanyang paglalaro ng golf na nahihilo matapos siyang kuyugin ng mga bubuyog. Dahil sa kanyang pag-aalala ay sinabihan ni Jessa ang mister na magpasugod na sa ospital ngunit umayaw umano ito. Gayunpaman, napilitan siyang magpa-ospital matapos siyang pagsabihan ng anak at kinalaunan ay naging maayos na umano ang kalagayan nito.

Read also

Matteo Guidicelli, lalong napabilib kay Sarah Geronimo matapos mapanood ang lumang video nito

Samantala, sa isang TikTok video ay pinasilip ni Jayda Avanzado ang behind-the-scenes ng pictorial nila. Kasama niya ang kanyang kapwa mga Star Magic stars na sina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Belle Mariano, Charlie Dizon at Alexa Ilacad. Umani ng maraming komento at reaksiyon ang naturang video dahil dito makikita ang muling pagsasama nina Francine at Andrea. Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan ng dalawa kaya marami ang naintriga sa naturang video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel