Heart Evangelista sa hindi pagdalo sa kasal ni Lovi Poe: "My dad is in the hospital"

Heart Evangelista sa hindi pagdalo sa kasal ni Lovi Poe: "My dad is in the hospital"

- Sinagot ni Heart Evangelista ang pang-iintriga sa hindi niya pagdalo sa kasal ng kanyang kaibigang si Lovi Poe kamakailan

- Sa isang TikTok video kung saan sinasabing hindi na sila bff ni Lovi kaya hindi siya nakapunta sa kasal nito minabuti ni Heart na linawin ang isyu

- Ani Heart ang kanyang ama ay nasa ospital kaya wala siya sa kasalan na dinaluhan ng ilang malalapit na kaibigan ni Lovi

- Ilan naman sa mga netizens ang nagsabing hindi na kailangang magpaliwanag ni Heart

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Minabuti ni Heart Evangelista na sagutin ang pang-iintriga sa kanya matapos mapansin ng ilang netizens na hindi siya nakadalo sa kasal ni Lovi Poe kamakailan. Aniya, nasa ospital ang kanyang ama.

Heart Evangelista sa hindi pagdalo sa kasal ni Lovi Poe: "My dad is in the hospital"
Heart Evangelista sa hindi pagdalo sa kasal ni Lovi Poe: "My dad is in the hospital" (@iamhearte)
Source: Instagram

Sa naturang video na kumalat sa TikTok, sinasabing hindi na sila bff kaya wala si Heart sa kasal ng kaibigan.

Read also

Ina Raymundo kinagiliwan si Andrea Brillantes: "I find her comments flattering and amusing"

Matatandaang kilalang malapit na magkaibigan sina Heart at Lovi na nagkasama sa pelikulang Temptation Island.

Ilan naman sa mga netizens ang nagsabing hindi na kailangang magpaliwanag ni Heart.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Guys, pls.Let these celebrities celebrate their lives without asking insensitive questions and assuming anything!Ayan, sinagot na ni Heart, ok ka na??
Hinde lang naka attend hinde na bff malay nyo busy si Heart.
Hindi lang nag kasama issue agad?

Heart Evangelista sa hindi pagdalo sa kasal ni Lovi Poe: "My dad is in the hospital"
Heart Evangelista sa hindi pagdalo sa kasal ni Lovi Poe: "My dad is in the hospital"
Source: TikTok

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Bossing Vic kay Kim Chiu: "Ikaw may sarili kang mundo ha?"

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel