Pokwang, sumalang sa fast talk; ayaw na magka-boyfriend ng afam

Pokwang, sumalang sa fast talk; ayaw na magka-boyfriend ng afam

- Sumalang sa fast talk sina Pokwang at Eugene Domingo sa kanilang pag guest sa Fast Talk with Boy Abunda

- Kabilang sa natanong kay Pokwang ay kung gusto pa ba daw nitong magka boyfriend ng afam

- Mabilis ang naging pagsagot ni Pokwang na hindi na daw niya gugustuhin pa iyon

- Naitanong din sa kanya kung bitter pa daw ba siya sa kanyang ex at ang kanyang sagot ay 'middle

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sina Pokwang at Eugene Domingo ang naging panauhin ni Boy Abunda sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda. Sumalang sila sa fast talk kung saan natanong kay Pokwang kung gusto pa daw ba niya magka boyfriend ng afam.

Pokwang, sumalang sa fast talk; ayaw nang umibig sa afam
Pokwang, sumalang sa fast talk; ayaw nang umibig sa afam (@itspokwang27)
Source: Instagram

Agad na sinagot ni Pokwang na hindi at ayaw din daw niya ng karelasyon na mas bata sa kanya.

Read also

Michelle Dee, pinabulaanang siya ang papalit na national director ng MUP

Naitanong din sa kanya kung bitter pa rin daw ba siya sa ex. Tila nag-isip pa siya sa kanyang isasagot at nasagot na lang niya na 'middle.'

Naibahagi din niya na wala sa plano niya ang pumasok sa relasyon sa ngayon. Gusto daw muna niyang pagtuunan ng oras at pansin ang mga anak niya at magpapayaman daw muna siya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Read also

Paolo Ballesteros at anak na si Keira, nagdiwang ng kaarawan sa E.A.T.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel