Paolo Ballesteros at anak na si Keira, nagdiwang ng kaarawan sa E.A.T.

Paolo Ballesteros at anak na si Keira, nagdiwang ng kaarawan sa E.A.T.

- Kinantahan si Paolo Ballesteros ng kanyang mga co-hosts sa E.A.T. sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan

- Matapos nito ay binati din ni Paolo ang anak na si Keira na sabay nagdiriwang ng kanyang kaarawan

- Mismong si Keira ang naglabas ng birthday cake ni Paolo na tila ikinagulat ni Paolo dahil inakala nitong nasa paaralan

- Kabilang naman si Maine Mendoza sa nagbahagi ng kanyang birthday wish para kay Paolo na aniya ay magka-love life na ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kasama ni Paolo Ballesteros ang anak na si Keira sa pagdiriwang niya ng kaarawan ngayong araw sa E.A.T. Mismong ang anak niya ang naglabas ng cake niya.

Paolo Ballesteros at anak na si Keira, nagdiwang ng kaarawan sa E.A.T.
Paolo Ballesteros at anak na si Keira, nagdiwang ng kaarawan sa E.A.T.
Source: Youtube

Tila hindi naman alam ni Paolo na pupunta ang anak niya na kasabay niyang nagdiriwang ng kaarawan. Nabanggit pa nito na hindi pumasok ang anak.

Read also

Vice Ganda kay Aga Muhlach: "Si Atasha nasa Eat Bulaga, i-Showtime na natin to si Andres"

Para naman sa mga mensahe ng kanyang mga co-hosts, wish daw ni Maine na magka-love life na ito.

Bukod sa kanyang pamilya at kaibigan na bumati sa kanya sa isang video, kabilang ang mga impersonations niya sa kanyang make-up transformation sa mga bumati sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Paolo Elito Macapagal Ballesteros IV ay kilalang actor, comedian, TV host, model, drag queen, at impersonator. Isa siya sa mga hosts ng longest-running noontime show na Eat Bulaga! from 2001 hanggang sa nag-resign siya nitong 2023.

Matatandaang naging matagumpay ang inorganisang community pantry nina Pokwang at Paolo sa kanilang lugar. Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan ni Pokwang si Paolo at iba pang mga kapitbahay nila na tumulong para sa kanilang community pantry. Naging kwela naman sa mga netizens ang kanilang #pantrysisters hango sa pelikula ng Eat Bulaga host na si Paolo. Kabilang sina Pokwang at Paolo sa dumaraming mga celebrities na nkikiisa sa pag-organisa ng community pantry.

Kamakailan, kinaaliwan si Paolok at anak niyang si Keira Claire sa launching ng Drag Race Philippines Season 2. Ibinida ng ina ng kanyang anak na si Katrina Nevada ang video ng mag-ama. Marami ang nakapansin sa ganda nila lalo na ng anak ni Paolo na ngayon ay 14 taong gulang na. Sa kabila ng paghihiwalay nila ay nanatiling naging malapit na magkaibigan sina Paolo at Katrina na magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel