Ben Tulfo, napatawad na si Rendon Labador matapos nitong magpakumbaba

Ben Tulfo, napatawad na si Rendon Labador matapos nitong magpakumbaba

- Ayon kay Ben Tulfo, silang magkakapatid ay likas na mapagpatawad lalo na kung nararamdaman nila ang sinseredad ng tao sa paghingi ng dispensa

- Ani Ben, maayos na pumunta si Rendon sa kanilang tanggapan at nagpakumbaba

- Dagdag pa niya, kaya niyang makipagsabayan sa bardagulan at panduduro ngunit marapat lang daw na patawarin ang humingi ng paumanhin

- Nilinaw din nila sa Bitag live na hindi nila estilo ang makipag-collab kagaya sa mga espikulasyon matapos i-post ni Rendon ang kanilang picture

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Ben Tulfo, laging may puwang sa mga taong nagkakamali. Ito ay lalo na kung nagpapakumbaba at umaamin sa humingi ng dispensa kagaya ng ginawa ni Rendon Labador.

Ben Tulfo, napatawad na si Rendon Labador matapos nitong magpakumbaba
Ben Tulfo, napatawad na si Rendon Labador matapos nitong magpakumbaba (Rendon Labador)
Source: Facebook

Pinatawad nila si Rendon dahil na rin sa sinseridad nito nang pumunta sa kanilang opisina. Nilinaw din nila sa Bitag live na hindi nila estilo ang makipag-collab kagaya sa mga espikulasyon matapos i-post ni Rendon ang kanilang picture.

Read also

74-anyos na lola na mahigit 20 taon nang jeepney driver, hinangaan ng marami

Maayos na pumunta sa aking tanggapan si Rendon Labador. Nagpakumbaba at humingi ng tawad.
Marunong akong makipagsabayan sa bardagulan at panduduro. Subalit oras na tinanggap ang pagkakamali at humingi ng paumanhin - marapat lang patawarin.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang huling mensahe ni Ben Tulfo sa isyung ito, panoorin!

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Kamakailan ay sinagot ni Rendon ang naging pahayag ni Ben Tulfo patungkol sa kanya. Aniya, namuti lang ang mata niya sa kakahintay sa gate nila ngunit walang dumating. Dagdag pa niya, siya na mismo ang pupunta sa Bitag kung ibibigay nila ang address nito. Matatandaang nag-ugat ang lahat ng umalma si Rendon sa post ni Michael V. tungkol sa mga content creator.

Read also

Rendon Labador, sumagot kay Ben Tulfo: "Send mo na lang address ng Bitag"

Nagbahagi ng mensahe si Giselle Sanchez para sa social media influencer na si Rendon. Inudyukan niya ito na umamin na lamang sa pagkakamaling nagawa kaugnay sa kanyang nasabi laban kina Coco Martin at Michael V. Dagdag pa ni Giselle, kaya siya pina-follow ng kanyang followers dahil namo-motivate niya ang mga ito kaya sana ipakita daw nito sa kanila na meron siyang busilak na puso. Nagkomento naman dito si Rendon at nagsabing makipag-usap sa kanya si Giselle para maintindihan daw kung paano siya mag-isip.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel