Kiray Celis, emosyonal na napuri ng ina: "Totoo po 'yun, napakabait po niya"

Kiray Celis, emosyonal na napuri ng ina: "Totoo po 'yun, napakabait po niya"

- Emosyonal na napuri si Kiray Celis ng kanyang ina sa pagiging isang mabuting anak nito

- Matatandaang si Kiray ay madalas na hangaan ng marami sa labis na pagpapahalaga nito sa kanyang pamilya

- Bukod kasi sa mga regalo ni Kiray sa kanyang pamilya tuwing may nagdiriwang ng kaarawan, nabigyan niya ng ptiong paupahang bahay ang ina

- Ito ang umano'y isa sa mga pinagkakakitaang negosyo naibigay niya sa kanyang mga magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang maging emosyonal ng ina ni Kiray Celis nang mapag-usapan ang kabutihan ng anak.

Kiray Celis, emosyonal na napuri ng ina: "Totoo po 'yun, napakabait po niya"
Kiray Celis at ang kanyang mama (Kiray Celis)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa panayam ni Karen Davila kay Kiray, kasama nito ang kanyang ina.

Doon, nabanggit ng ina ni Kiray na nasa pito na ang paupahan na naipundar ng komedyante.

Ito ay bukod pa sa mga inireregalo ni Pokwang sa bawat miyembro ng kanilang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga magulang.

Read also

Paolo Contis sa nagsasabing namimigay siya ng premyo pero hindi sustento: "bobo"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Sabi ko nga, nung nagpasabog ang Panginoon ng kabaitan nasalo niya po. Totoo po. Pito ang paupahan nina Kiray, lahat ay naipundar niya sa kanyang pagiging isang child star," ayon sa ina ng dating child star.

Matatandaang kamakailan lang ay binigyan ni Kiray ang ina ng tumataginting na isang milyong piso.

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan mula sa Karen Davila YouTube channel:

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng dating noontime show sa Kapamilya Network ang MTB o 'Magandang Tanghali Bayan'. Naging bahagi siya ng "Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Kilala si Kiray sa kanyang pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya. Matatandaang nag-viral din ang kanyang vlog kung saan na-prank muna niya ang kanyang tatay sa birthday nito bago niya ibigay ang surpresang money cake na may lamang ₱62,000 dahil sa 62-anyos na ang pinakamamahal niyang ama.

Read also

Alyssa Alvarez, umalma sa mga kumuwestiyon bakit hindi daw siya na-gong

Sa naturang panayam sa kanya ni Karen Davila, nasabi ni Kiray na ang isang milyong piso na iniregalo niyang halaga sa kanyang ina sa kaarawan nito ay pwang katas ng kanya ngayong kinagigiliwan na online selling.

Minsan ding nag-viral si Kiray nang ipa-tattoo ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia ang kanyang mga mata malapit sa dibdib nito.

First time din kasi ni Stephan na magpa-tattoo at ang mga mata pa ni Kiray ang napili niyang ipalagay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel